Kung si Maine, may Arjo na… Alden, umamin sa nagustuhan kay Catriona


MALAKING pahulaan sa maraming entertainment press kung sino ang “mystery girl” na nabanggit ni Alden Richards na type niyang pormahan sa tamang panahon. Nasa showbiz din daw ang secret inspiration ng Asia’s Multimedia Star.
Natanong ang tungkol sa love life ni Alden noong mediacon after niyang mag-renew ng kontrata sa GMA-7.
At siyempre, interesado rin ang lahat na malaman kung may special someone ngayon ang Box Office King lalo’t inilantad at inamin na rin ni Maine Mendoza ang tungkol sa BF niyang si Arjo Atayde.
Napapanahon na rin naman na may magpaligaya at magbigay ng inspirasyon sa buhay ng Pambansang Bae. Hindi naman tututol ang kanyang pamilya dahil naiayos na niya ang magandang future ng kanyang mga mahal sa buhay. Pati na ang mga loyal fans ni Alden, tanggap na kung may babaeng ipapakilala ang kanilang idolo.
Well, abang-abang na lang ang lahat kung kailan ilalantad ng most valuable artist ng Kapuso Network ang kanyang lady love.
Sa ngayon, isa sa mga wishes ni Alden Richards ang makatrabaho ang ating Miss Universe na si Catriona Gray sa future projects. Nababalitaan ni Alden kung gaano kabait at ka-humble ang ating Miss Universe kaya gusto raw niyang ma-meet at makilala ito nang husto.





Comments