Aquatic center na pang-seag, world class

HINDI lang pang-Pinoy, pang-foreigner pa. Iyan ang sabi ng pamunuan ng pambansang manlalangoy ng Pilipinas hinggil sa gagamiting modernong Aquatic Center sa New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac, na lahat ng nais mag-ensayo rito ay papayagan maging ang mga dayuhan.
Kinikilala ng Federation Internationale’ de Natation o International Swimming Federation (FINA) ang 12,796 square meter Aquatic center bilang class 1 sports venues at maaaring lugar na puwedeng pagdarausan ng mga pandaigdigang kompetisyon at training ground ng kahit na foreign swimmers.
“It’s a FINA-accredited pool, and we are looking it as (or can be) a training ground for all European and US-based swimmers,” wika ni Philippine Swimming Inc. (PSI) president Lani Velasco.
Nagtapos nitong Martes sa Aquatic Center ang 1st Philippine National Open Swimming Championship na sinimulan noong Sabado na siyang pagpipilian ng mga lalangoy sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.





Comments