Knows mo ba, Julia? Bea, dumayo sa Gensan kung saan nakatira ang madir ni Gerald
- BULGAR

- Sep 6, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

Sa General Santos City ang taping nina Bea Alonzo at Richard Gutierrez sa bago nilang soap sa ABS-CBN na wala pa yatang title dahil hindi pa binanggit.
Sa nakita naming BTS sa taping, sa bagsakan ng isda, lalo na mga tuna, ang puwesto ng dalawa.
Kita rin na may suot na wig si Bea at obyus ang malaking ipinayat ni Richard.
Bukod sa teleserye, magkasama rin sina Bea at Richard sa Star Cinema movie with Angelica Panganiban.
Naalala lang namin, hindi ba taga-GenSan si Gerald Anderson? May bahay sila roon at doon nakatira ang mom ng aktor. Wala kayang chance na magkita sina Bea at mom ni Gerald?





Comments