Imbentong tsismis, nasopla... Mga gustong mabuwag ang PAO, hindi umubra!

PAO CHIEF PERSIDA ACOSTA / DAING MULA SA HUKAY HUSTISYA
ANG mga nagdaang linggo noong nakaraang buwan ay naging mapanghamon sa buong tanggapan ng Public Attorney’s Office (PAO) at sa inyong lingkod. May mga taong sumubok na bahiran ang kasaysayan ng mabuting pagseserbisyo ng inyong lingkod sa bayan at mga mamamayan, lalo na sa mga walang kalaban-laban. Tinangka rin nilang pagwatak-watakin ang mga kawani ng PAO.
Sa gawa-gawang isyu na ang inyong lingkod at ang director ng PAO Forensic Laboratory at head ng PAO Forensic Team na si Atty. Erwin P. Erfe, M.D. ay ipinasususpinde diumano ng mga walang pirma at pangalang PAO lawyers ay inakala nilang maparurupok at mapahihina ang aming matatag na samahan na nagbibigkis sa amin bilang mga tapat na lingkod-bayan at masigasig na tagapagsulong ng katarungan.
Dahil sa nagkakaisang lakas at tinig ng PAO, kasama ang mga kaibigan at kapwa tagapagtaguyod ng mabubuting layon ng sambayanan, lalo na ng higit na nangangailangan ng pagsisilbi at pagdamay, napagtagumpayan natin ang maitim na balakin sa likod ng pagtatangkang tayo ay tibagin.
Ang Regional Public Attorneys (RPAs), senior officials ng aming tanggapan sa labimpitong (17) rehiyon ng ating bayan ay nanguna sa pagpapahayag ng suporta sa inyong lingkod at kay Dr. Erfe. Sa nakaraang kolum ay ibinahagi natin ang pirmadong manipesto ng pagpapahayag ng suporta ng public attorneys at mga empleyado ng PAO, gayundin ang isa pang katulad na pirmadong manipesto mula sa mga abogado ng PAO-Central Office.
Sa kolum na ito, nais nating ibahagi ang mahahalagang punto na ipinahayag ng ating nabanggit na RPAs sa kanilang pirmadong manipesto. Anila:
“The filing of such Manifestation is clearly part of a black propaganda and a demolition job against our fearless and passionate leader, Chief Public Attorney Persida V. Rueda-Acosta, who has been representing our clients with the kind of zeal and dedication our unfortunate clients actually need and deserve. From the Inquirer article, it can be gleaned that the allegations in the Manifestation revolve around the PAO’s Dengvaxia assistance.”
Ayon sa ating RPAs, ang layunin ng paghahain ng nasabing manipestasyon ay hindi lamang upang manirang-puri at wasakin ang integridad ng inaakusahang PAO officials kundi pati ang buong PAO. Anila, klaro ang intensiyon na hadlangan ang PAO sa independiyenteng pagganap sa mandato nito. Mariin nilang ipinahayag na hindi nila papayagan ang patraydor na pag-atakeng ito. Anila, “We shall not allow such an underhanded attack against our office and our people”.

Binigyang-linaw din nila ang mga isyung ibinato sa inyong lingkod. Isa sa mga ito ay ang tungkol sa mga suplay na ginagamit ng aming opisina. Narito ang bahagi ng kanilang pahayag tungkol dito: “Both disheartening and infuriating that Chief Acosta and other PAO officials are being accused of corruption by alleging that Chief Acosta did not use the funds intended for buying supplies for its intended purpose; especially since such accusation stemmed from the Commission on Audit (COA) Report on PAO’s over stockage of Php13.1 Million worth of supplies – the complete opposite of the accusation.”
Maliwanag na naipahayag ng ating RPAs na hindi nagkukulang ng supplies dahil sa korupsiyon sa PAO. Sa katunayan, may overstockage pa ng mga suplay na nagkakahalaga ng P13.1 milyon. Ibinabahagi rin ang mga suplay dahil hindi lamang para sa PAO-Central Office kailangan ang mga ito kundi sa buong Pilipinas kung saan may labimpitong (17) regional offices, tatlongdaan at tatlumpu’t isang (331) districts, sub-districts at lokal na mga opisina. Sa mga suplay na diretsong kinukuha o procured mula sa Department of Budget and Management (DBM) umaasa ang PAO-Central Office at nabanggit na mga opisina ng PAO sa mga probinsiya at munisipalidad ng ating bayan.

Kaugnay nito, binigyang-diin ng RPAs sa parehong manipesto na: “Being lawyers, we are highly dependent on regular supply and stocks of paper, ink, toners, ballpens, etc.There has never been an instance that the Office fell short in providing us with such needs. If our supplies are already running low, the Office would waste no time in replenishing the same, taking into consideration that most of our pleadings are subject to court-imposed deadlines.”
Ramdam ko ang suporta ng buong pamilya ng PAO. Sa nagnais na kami ay buwagin, hindi kayo nagtagumpay at kailanman, ang masamang balakin ay hindi maganda ang aanihin. Sa labas ng tanggapan ng PAO, may tila sirkulo ng pamilya na yumakap sa amin sa panahon ng pagsubok sa aming katatagan. Nasa loob ng sirkulong ito ang nabanggit kong mga kaibigan at kapwa tagapagtaguyod ng mabubuting layon ng sambayanan, lalo na ng higit na nangangailangan. Babanggitin ko ang apat (4) sa kanila. Ang mga ito ay sina Senator ‘Bong’ Go, dating Congressman Glenn Chong, Atty. Larry Gadon at Dr. Samuel Zakate.
Ang paniniwala ni Senator Go na hindi korup ang inyong lingkod ay ibinalita sa maraming pahayagan. Kabilang dito ang lumabas na balita sa Bulgar (pahina 2) noong Agosto 19, 2019: “Tiniyak ni dating Special Assistant to the President at kasalukuyang Senador Christopher ‘Bong’ Go na nananatili pa rin ang kumpiyansa niya sa integridad ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta.”
Ayon kay Sen. Go, isang dekada na niyang kakilala si Acosta at wala naman siyang narinig na isyu ng korupsiyon laban dito. Naniniwala rin ang senador sa pamumuno ni Acosta sa PAO at buo ang integridad nito. (Madel Moratillo, “Chief Acosta, Hindi Korup – ‘Bong’ Go”).
Narito naman ang bahagi ng pahayag ni dating Congressman Glenn Chong, hinggil sa diumano ay corruption sa PAO: “Hindi ako naniniwala na magiging source ng corruption itong Dengvaxia cases para sa Public Attorney’s Office. Bakit? Ang mga kliyente po ng PAO, halos lahat po sila ay indigent. Wala naman po silang pera para pagkakitaan ng Public Attorney’s Office. Actually, ang PAO is there purely for public service. Kung tatanggalin mo ang PAO o hayaan mo na masira ang kredibilidad nito o in particular nina Chief Persida Acosta at Dr. Erwin Erfe, because siya ang head ng Forensic Laboratory ng PAO, saan na po dudulog ang ating mahihirap na kababayan? Huwag po nating hayaan na sirain ng mga taong ito… in the first place, tandaan po ninyo, mga kababayan, ang mga taong sumisira sa Public Attorney’s Office ay may malaking pananagutan dito sa Dengvaxia controversy. Sa problema ng Dengvaxia, buhay po ng mga kababayan natin ang kinitil nila sa ngalan ng pera o kung ano pa ang kanilang motibo.”
Sa paratang na kuwestiyunableng pagbili ng office supplies ng PAO, para kay Atty. Larry Gadon, ang isyung ito ay tsismis at imbento. Binigyang-diin niya ang kanyang obserbasyon na walang ulat mula sa Commission on Audit (COA) na nagsasabing may anomalyang nagaganap sa PAO, kaya ang isinampang reklamo ay walang batayan. Ito ay base lamang sa imahinasyon ng nag-aakusa. Aniya: “There is no COA report that the alleged office supplies procurement was indeed anomalous which makes the complaint totally baseless and unfounded and rather based merely on his wild imagination. This is a case of imbentong tsismis”.
Sa pag-atake na ito sa inyong lingkod, sa palagay naman ni Dr. Samuel Zakate ay pagsasagawa ng dibisyon at paglupig (divide and conquer) ito sa PAO. Ayon kay Dr. Zakate, “I have known her for so many years, and I have known her dedication to service. Ang sabi nga sa isang artikulo sa isang libro, “divide and conquer”. So, papaano mo idi-divide ang isang ahensiya na nagbibigay-serbisyo publiko? Atakihin mo ang ulo.”
Sa pag-atake sa inyong lingkod ng mga kalaban ng mga biktima at magulang nila, bilang ulo ng PAO, sila ay nabigo na mapatumba ang buong ahensiya sapagkat tila buong katawan ding kumilos ang aming tanggapan at mga tagasuporta. Salamat sa mga pagpaparamdam ng suporta at pagmamalasakit mula sa inyong lahat. Tuluy-tuloy ang ating laban hanggang sa tagumpay!
Kaya, natapos na ang forensic autopsy ng 145 na namatay pagkatapos bakunahan ng Dengvaxia. Mayroon pang mga nakapila. Daing at mistulang alulong mula sa hukay dahil kahit patay na ay may pagtagas pa ng dugo mula sa kalamnan ng mga biktima at maging ang mga nasa bahay at ospital na mga biktima na dumaranas ng “4 expected risks” ayon sa Sanofi declaration noong Disyembre 22, 2019. Ayon sa PAO Forensic Team, walang humpay ang bagsik ng mga mikrobyo na laman ng turok na nagpadugo, nagpamaga at nagpalaki sa utak at internal organs ng mga biktima na tinurukan habang clinical trial phase 3 pa, ayon sa WHO, Peter Smith.
(Itutuloy)





Comments