Gustung-gustong humawak ng baril, 'di pinagbigyan… Sigaw ni Sue: suso ko lang ang ibinenta ng se
- BULGAR

- Sep 6, 2019
- 3 min read

ANG Alpha Kid One ay magsisilbing unang action film ni Sue Ramirez.
Sa aming panayam sa aktres, aniya’y noon pa niya pinangarap mag-action. Una sana niyang action exposure ay sa seryeng Ang Probinsyano ni Coco Martin.
“Nag-Probinsyano nga ako pero namatay lang ako ru’n. Ni wala akong nahawakang baril, suso-suso lang ako ru’n,” meaning, ang kanyang cleavage raw ang na-expose sa serye. “I think it’s another milestone for my career na mag-action and I’ve been wanting to do it for a long time, at ‘eto nga, dumating ang opportunity na magagawa ko nang mag-action,” masaya nitong sabi.
Nag-training daw siya sa kanilang action scenes sa movie.
“Hindi masyado kasi hindi ganu’n katinding action ang gagawin ko like Javi. ‘Yung role ko rito, vet ako, meron akong vet clinic on the side and I go to the gym, mahilig akong mag-gym. Hindi siya super-duper action star katulad nu’ng ginagawa ni Javi.”
Natuwa naman daw si Sue noong malamang siya ang personal choice ni Javi para makapareha sa Alpha Kid One.
Ani Sue, “Nagulat ako at the same time na-flatter ako, masaya naman, fulfilling siya kasi gusto ko naman siyang makatrabaho. Hindi ko alam ang ii-expect ko kasi we’ve never met, hindi ko pa siya nakatrabaho before and haven’t seen him pero it was a surprise for me na ako ang pinili niyang makatrabaho.”
Sabi pa niya kay Javi, “Sobrang dedicated niya sa ginagawa niya at talagang nag-train siya for this. Hindi ‘yan nagrereklamo ever. Never ko siyang narinig na magreklamo sa set. Minsan, putok-araw na ‘yung mga eksenang kailangang gawin, ginagawa niya without saying anything.
“So, mahihiya kang magreklamo kasi hindi ganu’n ‘yung katrabaho ko, so nakaka-inspire siya na meron palang tao na sobrang dedicated sa trabaho at committed du’n sa craft na pinasok niya,” ani Sue.
Naitanong din namin kay Javi kung bakit personal choice niya si Sue as his leading lady sa una niyang film.
“May nagsabi sa akin na Sue’s professional, and true enough, sa set, ang dali niyang ka-work, easy to get along with and she’s such a fun co-actor to be with. Siyempre, Ilongga pa, plus the fact na magaling siyang kumanta.
“Actually, she was referred to by a friend, si Pia, and told me about her and when I met her for the first time, I said, siya na nga. I watched her concert, ang galing niyang kumanta, ang galing pa niyang sumayaw.”
In between interviews namin sa dalawang bida ng Alpha Kid One, nabanggit ni Direk Somes na nauna nang kunan ang intimate scenes nina Javi at Sue.
“I could really say that they have this beautiful intimate scene. We’ve shot that already and I think that’s the most romantic scene na we’ve shot in a while, there’s skin,” sabay tawa ng direktor.
So, pinaghubad sina Javi at Sue sa isang love scene?
“Sabi ko, very intimate but it is very well-made shot and I think Sue nailed it,” sabay tawanan ng mga nandoong press.
Giit naman ni Sue sa nasabing intimate scenes nila ni Javi, “Ginalingan!”
“Of course, it (love scene) was... well taken care of kami sa mga eksena. Hindi siya malaswa o bastos, it was a very beautiful scene. Very professional naman si Javi,” at wala raw siyang naramdamang pananamantala ng kapareha.
Tuloy, naitanong kay Javi kung hot bang humalik si Sue.
“Hahahaha! It was my first kissing scenes, medyo kinabahan ako, so parang siya ‘yung nag-calm down sa akin. She made it easier for me.”





Comments