Bago pa napunta sa 'yo, Elisse… Mccoy, ibinulgar na matandang babae ang nakadevirginize sa kanya
- BULGAR

- Sep 6, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

AMINADO ang Kapamilya actor na si McCoy de Leon na nawala ang kanyang virginity sa murang edad. May-edad na raw ang babaeng naka-devirginize sa kanya.
Alam kaya ito ng ex-girlfriend niyang si Elisse Joson?
Lahad ni McCoy, “Hindi ko po sinasadya at mas older woman din ‘yun, ‘di ko akalain. Dapat after marriage nga po! Nagulat po ako, eh, kaya sobrang relate sa akin ‘yung character ko.”
May pelikulang ipapalabas sa September 13 ang dancer-actor na entry para sa Pista ng Pelikulang Pilipino 3, ang G!.
Ayon sa aktor, kung ano ang naranasan niya nu’ng nakipag-sex siya sa older woman in real life ay ganu’n na lang din daw ang iniisip niya sa eksena nila ni Roxanne Barcelo. McCoy is 24 at 34 naman na si Roxanne.
Nang kukunan na raw ang sex scene nila ng aktres, atubili siya sa kanyang gagawin. Nagtanong siya sa kanyang direktor kung paano mag-uumpisa. Sabi naman daw ni Direk Dondon Santos, “‘McCoy, manyak ka lang!’ Ganu’n.”
Pero dahil maganda at sexy si Roxanne ay nagawa niya nang maayos ang eksena at thankful din siya dahil very cooperative ang mahusay na aktres.





Comments