top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Saka Ni: John Rey Seminiano Reonico

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 5, 2019
  • 1 min read

Magtanim ay ‘di biro,

maghapong nakayuko,

takal ng bigas ay ‘di puno, tiyan nami’y kumukulo.

Nasaan na, oh, bayan ko

ang iyong mga ipinangako?

Kaming gumagawa ng ihahain, sariling sikmura’y hindi mapakain.

Nakalimutan ko na nga

ang lasa ng karne, dugo’t pawis ang mukha,

Kamay’ puno ng kalyo’t dumi.

Sigaw namin at hiling,

sana’y mabigyang-pansin, likha ko’y huwag sayangin,

atin itong linangin.

Kapag ang oras ay dumating, na ang sinag ay dumilim, sana’y inyong malaman,

halaga nitong yaman.

Magtanim ay ‘di biro,

nawa’y inyong mapagtanto, kapag kami’y sumuko na,

lahat kayo ay nganganga.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page