top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

P4.13 Bilyong maternity benefit, naibigay ng SSS ngayong 2019

  • Thea Janica Teh
  • Sep 5, 2019
  • 2 min read

Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Dahil sa inilabas na Expanded Maternity Leave Law (EMLL) ngayong taon ay tumaas din ang mga kumuha ng kani­lang maternity benefit sa Social Security System (SSS).

Sa loob lamang ng anim na buwan ngayong taon, umakyat sa 180,000 bilang ng maternity benefit ang na­ilabas o halos 15% ang itinaas kung ikukum­para noong isang taon. Ibinahagi ni SSS President and Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio na inaasahang tataas pa ang number ng claimant ng mga pension fund ngayong taon. Inaasahan din na aabot sa 360,000 maternity benefits ang kukuha ngayong taon. Ito ay 10% higher sa actual claims record noong isang taon.

Tumaas din ng halos 23% o P4.13 bilyon ang na-disburse sa maternity benefit kung iku­kumpara sa P3.37 bil­yon noong isang taon. Ang pagtaas na ito ay epekto ng marami ang kumukuha ng kanilang benepisyo at dahil sa pag-implement ng Republic Acts No. 11199 at 11210 o Social Security Act of 2018 at ang 105-day Expanded Maternity Leave Law (EMLL).

Dahil sa Social Security Act of 2018, tu­maas ang kontribusyon ng bawat miyembro na nagsimula noong April 2019. Bukod dito, mula sa 60-78 days ay naging 105 day na ang maternity leave na nagko-cover ng child delivery, miscarriage at emergency termination of pregnancy na nagsimula naman noong March 11, 2019.

Maaari ring makaku­ha ang kababaihang nanganak ng cash bene­fit mula sa SSS na equivalent sa kanilang daily salary credit multiplied by 105 days. Samantala, para naman sa mga nakunan at emergency termination of pregnancy, makaku­kuha rin sila ng cash bene­fit equivalent sa kanilang daily salary credit multiplied by 60 days.

Sa kababaihang mi­yembro na inaasahang manganganak sa January 2020 onwards, maaari silang makatanggap ng maximum maternity be­nefit na P70, 000 dahil sa mas pinalaking kon­tribusyon na na-implement din ngayong taon.

Para makakuha ng maternity benefit sa SSS, ang miyembro ay inaasahang naka­pag­babayad ng kanyang kon­tribusyon, at least, 3 months within 12 month period bago manganak. Kailangan din na ma-notify ang kanyang employer o sa SSS mismo kung self-employed o voluntary member sa kanyang pagbubuntis at sabihin ang date kung kailan inaasahang manganganak.

Kaya naman payo ni Ignacio, ugaliing mag­hu­log ng kontribusyon para makakuha ng sapat na benepisyo saanmang sakuna o emergency.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page