top of page
Pokwang.jpg

Horoscope | Setyem­bre 05, 2019 (Huwebes)

Maestro Honorio Ong
Sep 5, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

SA MAY KAARAWAN NGAYONG SETYEMBRE 5, 2019 (Huwebes): Masu­werte ka! Kadalasan, ang suwerte mo ay napupunta sa iyong pinaglilingku­ran. Kung gagamitin mo ito sa iyong sarili, tiyak ang pag­yaman mo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong piliting main­tin­dihan ang mga taong mahirap una­wain. Hindi mo rin obligas­yon na ipaliwanag sa iba ang iyong ginagawa. Ito ang mensahe ng iyong ka­pa­laran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-21-24-39-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bakit ka mag­papatulong kung ikaw din ay sesermunan? Mas ma­gandang gawin mong mag-isa ang gusto mong gawin nang hindi sumakit ang loob mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lot­to-11-17-29-30-32-36.

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi mo ma­aasahan ang ilang mga kai­bigan mo dahil ang totoo ay sila ang umaasa sa iyo. May mga pabigat pa at mga hindi magagandang gawi at hindi marunong magpa­salamat. Masuwer­teng ku­lay-purple. Tips sa lotto-12-26-31-36-40-44.

CANCER (June 21-July 22) - Walang karapatan ang sinuman na manghusga sa iyo dahil ang lahat ay may pagkakamali at ang iba ay may mas ma­laking kasalanan kaysa sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-27-29-31-38-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Pi­liin mo kung saan ka ma­­pag-iisa dahil ngayon mo madarama na ang mga taong nasa paligid mo ay mga mapagsamantala. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-15-26-32-35-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kagagalitan mo ang isang malapit sa iyo pero, ang nakatutuwa ay sa kanya pala magmumula ang mga suwerte mo. Ma­suwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-17-21-27-36-45.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magtagal sa harap ng ka­usap mo dahil hindi sina­sadyang malalaman niya ang sikreto mo at maa­aring siya pa mismo ang magkuwento nito sa iba. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-8-14-25-36-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakatu­tuwa ang bu­hay mo sa mun­do. Totoo pala na iba ang nagsaing at iba rin ang ku­main. Ang nasa huli kaya ay lihim kang matatawa? Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masuwerteng ku­lay-violet. Tips sa lotto-1-19-28-31-36-37.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong isali sa iyong pro­yek­to ang kilala mong mahi­rap kasama. Pumili ka ng mabilis kumilos at masu­nurin. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Ma­suwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-11-17-21-29-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakagu­gulat dahil sa iyong mga ka­hinaan at kapintasan mag­mumula ang iyong mga suwerte sa buhay. Mahi­rap paniwalaan pero, ito ay ginagarantiyahan ng iyong kapalaran. Masu­wer­teng kulay-red. Tips sa lotto-15-16-25-33-41-46.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Maliliit pero sobrang dami ng du­ma­rating na suwerte sa buhay mo. Kapag pinagsa­ma-sama, mas malaki pa ito sa isang bundok. Ito ang mensahe ng iyong kapa­la­ran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-14-17-22-24-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bakit ka pa magpapaawat? Nakaharap ng mukhaan ang kabigu­an kaya wala kang dapat ipag-alala. Mas malaki ang tsan­sa mo na ikaw ang magtata­gumpay sa mga hamon ng iyong kapala­ran. Ma­su­werteng kulay-white. Tips sa lotto-18-22-27-30-31-34.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page