Dragon boat at racasa sa tops
- BULGAR

- Sep 5, 2019
- 1 min read

SASALANG ang chess at Dragon Boat sa isa na namang makabuluhang talakayan ngayon sa 38th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Clùb sa Intramuros, Manila.
Si Antonella Berthe Racasa, patuloy na umuusbong ang kabayanihan sa local at international chess, ang isa sa tinitingala ngayon at nagbibigay ng karangalan sa bansa. Ilalahad ni Racasa, sa kanyang unang pagdalo sa 10 a.m. public service program, ang mga naging kampanya sa mga sinabakang kompetisyon. Ang 12- year-old prodigy, sariwa pa mula sa nakahahangang 14th-place finish sa World Cadets Chess Championships sa Shandong, China nitong nakaraang linggo, ay sasamahan ng kanyang father-coach na si Roberto Racasa.
Darating din sa weekly session ng Philippine Sports Commission at National Press Club, ang mga opisyal ng Philippine Dragonboat Federation (PDBF), sa pangunguna ni president Nyllressan Planos Factolarin at secretary-general Japok Villanueva. Ang talakayan ay mapapanood ng live sa Facebook via Glitter Livestream. Ang TOPS ay kinabibilangan ng editors, reporters, columnists at photographers ng mga pangunahing tabloids sa Pilipinas. (MC)





Comments