top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Binreyk ang BF pero hindi maka-move on at sising-sisi

ROMA AMOR
Sep 5, 2019
1 min read

Dear Roma,

ako si Barbara, may naging boyfriend ako for 3 years. Hindi ko ipinahalatang head over heels in love ako sa kanya dahil 2nd year college lang ako nu’n kaya hindi ko siya magawang ipakilala sa pamilya ko at isa pa ay long distance ang aming relasyon. Paki­ramdam ko, hindi ko siya deserve dahil ito lang ako, samantalang, siya, super-guwapo, mayaman, talented at skillful pa. Malayung-malayo kami, hindi lang sa distansiya kundi sa napakaraming bagay. Dahil du’n, gumawa ako ng paraan para kalimutan na niya ako. Pero, Roma, sobrang sakit. Halos 4 taon na ang na­kalilipas, pero hindi pa rin ako maka-move on sa kanya. Nagsisisi rin ako na hindi ako nagpakatotoo sa kanya, naiisip ko ring baka kung naging open lang ako sa kanya, baka nag-work ang relasyon namin. Pero ngayon, nakikita ko sa mga larawan niyang masaya na siya. Paano ba makalimot? Siya kasi, parang napakadali lang niya akong nakali­mutan. — Barbara

Barbara,

Ang pagmu-move on ay mahirap talaga, lalo na kung mahal na mahal mo ang tao. Pero, kung ikaw na lang ang lumalaban, mas mainam kung sarili mo naman ang uunahin mo. ‘Ika nga, sarili muna bago ang ibang tao. Alam naming makakayanan mo ‘yan dahil marami na ang dumaan sa ganyang sitwasyon. Good luck, sis!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page