Smokin saturday sa race 4
- Ding Taboy
- Sep 4, 2019
- 2 min read

AALAGWA ngayong gabi ang Additional One Win in Group Races sa Santa Ana Racing Club, kasabay ang tatlong Conditional Race Merged 9, Group Race Merged 8-9 at Condition Race 15 sa Naic, Cavite.
Ang mga kalahok ay tatawid sa 1,300 meters kasabay, ng tatlong mananakbo sa 1,200 meters sa Condition Race 19, 21,at 22. Ang karera ay susuportahan ng Group Race 10 at 11 na dalawang Pick 5, isang Winner Take All (WTA), isang Pick 6, Pick 4.
Sa Race 1, ang 1st Pick 5 na paglalabanan ng 8 kalahok at pinapaboran ang Flash Dance at makakalaban ang Alezzandro. Isama sa listahan ang Always On Time, Pilya, Sunday Surprise at Maker’s Mark.
Magaganap ang WTA sa Race 2 at pinapaboran ang Buckingham Palace, Big Big Brown, Amazing Cole, Apo Island at Changes.
Sa Race 3, ang Pick 6 at Hardliner makakalaban ang couple entry na Double Sunrise at Speak Easy, isama sa tatayaan ang Eyeshot at Wings In My Feet.
Sa Race 4,simula nang 2nd Pick 5 maglalaban ang Goldsmith, Hiway One, Smokin Saturday at Dinalupihan.
Magsisimula ang Pick 4 sa Race 5, pinapaboran ang couple entry na Universe at Misha at makakalaban ang Facing Dixie at couple entry na Spectrum at Fort Mckinley habang pinapaboran ang Tool of Choice at Tidal Wave sa Race 6.
Nakalalamang ang Black Magic Woman, Starlight at Keyesspee sa Race 7 habang sa Race 8 ipinapatok ang Early Bird at makakalaban ang Balang Araw at Oktubre Katorse.
Tip ni Mang Ding: Race 1-Flash Dance (5) Alezzandro(4); Race 2- Buckingham Palace (1) Amazing Cole (4)
Race 3 Eyeshot (10) Hardliner (5) Wing In My Feet (2) Race 4- Smokin Saturday(6) Hiway One (2) Dinalupihan (5) Race 5- Facing Dixie (8)Entry No.1 Entry No.5 Race 6-Tool of Choice (7) Tidal Wave (3) Race 7-Black Magic Woman (6) Starlight(5) Race 8-Early Bird (1) Balang Araw (8) Oktubre Katorse (3) 1St Pick 5 (1-5) 4-5/1-4-5/6-10/6-2/1-5-8; 2nd Pick 5(4-8) 6-2/1-5-8/7-3/6-5/1-8; WTA(2-8) 1-4-5/6-10/6-2/1-5-8/7-3/6-5/1-8; Pick 6(3-8) 6-10/6-2/1-5-8/7-3/6-5/1-8; Pick 4(5-8) 1-5-8/7-3/6-5/1-8





Comments