May good benefits din sa may-ari at mga empleyado… MGA HALAMAN NA PAMPASUWERTE SA NEGOSYO

Bigyang-daan natin ang email ni Jennifer ng Jennifer_Sionama@face-book.com
Dear Señor,
Pa-advice naman ng mga pampasuwerteng indoor plant para sa business.
Naghihintay,
Jennifer
Sa iyo Jennifer,
Ang paglalagay ng mga halaman sa place of business ay mahigpit na inirerekomenda dahil una, ginagamit itong pandekorasyon dahil ito ay nagpapaganda sa opisina o sa place of business, gayundin, ito ay maihahalintulad sa mga alahas na nagpapaganda sa sinumang may suot.
Bukod sa maganda sa paningin, ang mismong may suot ay nag-iiba ang awra, siya ay sumisigla at lumalakas at nagkakaroon ng malakas na karisma.
Isipin mo, iha, kung ang place of business ay may malakas na pang-akit o karisma, hindi ba ang mga kliyente ay magpapabalik-balik?
Ikalawa, ang mga halaman ay magandang panlinis ng polusyon dahil hinihigop ng mga halaman ang maruming hangin. Ibig sabihin, kung walang halaman sa opisina o sa place of business, ang mga trabahador at ang mismong may-ari ang makalalanghap ng maruming hangin.
Ito ang dahilan kung bakit ang Pilipinas ay isa sa mga nangungunang may sakit na tuberculosis (TB) at lung cancer.
Kaya rin makikita na ang mga tanggapan o opisina na may mga halaman na malulusog ay nagsisitaba ang mga manggagawa at ang mismong may-ari.
Narito ang ilang mga halaman na inirerekomenda sa iyo:
Oranamental bamboo
Anthurium
Chinese money plants
Alocasia
Coffee plant
Snake plants
Weeping fig
Calatheas
Aloe plant
Dragon tree
Jade plants
Golden pothos
Mamili ka ng ilan sa mga nabanggit. Maganda kung dalawa o tatlong klase ng halaman dahil hindi na mahirap maghanap ng mga halamang nabanggit sa itaas dahil marami nang plant stores dito.
Good luck and God bless.




Comments