May dokumento rin daw… OSANG, KUMANTANG 3 PARI ANG NAGKASAL SA KANILA NG TIBONG LOVER
- BULGAR

- Sep 4, 2019
- 3 min read

Photo: @iamrosannaroces
Nagbigay ng opinyon ang sexy actress na si Rosanna Roces tungkol sa isyu ng comfort room para sa LGBTQ sa presscon ng bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Pamilya Ko na magsisimula na sa Lunes (September 9) bago mag-TV Patrol.
“Ang sa akin, simple lang. Kung ano ang kargada mo, doon ka. Kahit ang mga tomboy, hindi naman pumupunta sa CR ng lalaki. Pero bilang mga babae, kailangan din naming protektahan ‘yung hygiene rin naman namin, ‘di ba?” bungad ni Osang, pet name niya sa showbiz.
Maging ang ‘asawa’ nga raw niya na si Blessy na member din ng LGBTQ ay knows kung saan lulugar.
“Ganu’n dapat, alam mo kung saan ka lulugar, hindi ‘yung nota ang dala-dala mo, pupunta ka sa… May hygiene rin kaming iniingatang mga babae. So, kung may right ang LGBTQ, may karapatan din ang ibang tao. Huwag din naman nating sagasaan ‘yun.”
Isa pang isyu na mainit na pinag-uusapan na may kaugnayan din sa LGBTQ ay ang pagsasabatas ng SOGIE Bill sa Senado. Bilang member ng LGBTQ ang partner ni Osang na si Blessy, inalam namin kung ano ang take ng dating sexy star tungkol sa SOGIE Bill.
“Alam mo, ayokong sagutin ang mga tanong na ‘di naman ako pamilyar, ‘di ba? Ikinasal kami pero ritwal lang ‘yun. Dito lang din ‘yun. Pero ino-honor siya sa mga bansa kung saan pasado ang same-sex marriage. Kunyari, nag-abroad si Blessy, Canada, kinuha niya ako, iho-honor ‘yun.”
Kahit daw ritwal lang ang naganap na kasalan sa kanila ni Blessy, may dokumento ‘yun.
“May nagkasal (sa amin), actually, tatlo silang pari. ‘Yung sa pagsasabatas (ng SOGIE Bill), hindi ko kasi alam kung ano ‘yung laman ng bill na ‘yun, kung ano ‘yung gusto nilang iparating.”
Hindi rin naman sure ni Osang kung aware si Blessy tungko sa SOGIE Bill.
“Ako, mas una sa akin ‘yung karapatan bilang tao, ‘di ba? Kasi ako mismo sa sarili ko, puwede akong makipagrelasyon sa tomboy, puwede rin ako sa straight. Puwede rin sa… alam mo na.”
Nilinaw namin kay Osang kung paano niya ide-describe ang kasarian niya.
“Ano’ng tawag sa akin? Ah, kung may 110, 220, ako ‘yung 350! Hahaha!”
Anyway, thankful si Osang na nakasama siya sa cast ng Pamilya Ko na pinagbibidahan nina Joey Marquez, Sylvia Sanchez, Arci Muñoz, Maris Racal at JM de Guzman.
Sa presscon ng Pamilya Ko ay nabulgar na personal siyang pinili ni Sylvia na makasama sa cast ng bagong daytime drama series ng ABS-CBN.
“Siyempre, happy ako. Although, masakit sa akin na iwan ‘yung Los Bastardos, pero kung titingnan mo, magtatapos na sila. At least ako, nakatalon na. Ang Pasko ko, sure na, ‘yung ganoon.”
Pansin naman sa sarili ni Osang ang pagbabago sa mga pananaw niya sa buhay ngayon na ibang-iba nu’ng panahon ng kanyang kasikatan.
“Kita mo, hindi na ako ano, dati hindi ko nakikita ‘yun. Saka, siyempre si RSB (Ruel S. Bayani) ‘di ba? ‘Yung ginawa niya kay JM (De Guzman), ginawa niya sa akin. Binigyan niya kami ng pagkakataon kahit na nalulong kami sa kung anu-anong katarantaduhan. At sabi nga niya, ‘yung mga gago na ‘yan, kapag pinagbigyan mo ‘yan, mas gagalingan nila. Totoo ‘yun. At lagi kaming nagre-remind sa isa’t isa na, ‘Oh, ha, baka kung ano ang ginagawa mo d’yan?’ Bantayan kami.”
Binabantayan daw niya si JM. At the same time, binabantayan din siya ni JM.
“Sabi niya sa akin, ‘Oh, oh, oh. Ano ‘yan?’ Kanina, nakita mo, may tinira siya nu’ng nag-smoke siya. Sabi ko, ‘Ano ‘yan? Ano ‘yan?’ Bantayan na. Na make sure na wala na sa ating maliligwak. Kasi bihira na ‘yung mabigyan kayo ng chance.”
Tsika ni Osang, panay daw ang kuwentuhan nila ni Sylvia sa set ng Pamilya Ko.
“Si Ibyang pa, makuwento ‘yan, eh. Saka nagkasama kami dati sa Seiko Films, ‘yung pelikula ni Jesto (Alarcon). Hindi pa ako bida noon. ‘Yung mga hindi tinapos ni Gretchen Barretto,” chika pa ni Osang.





Comments