top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Cong. villanueva, atienza at abante: paano naman ang karapatan ng majority?

  • Thea Janica Teh
  • Sep 4, 2019
  • 2 min read

Bulgarific

“FREEDOM from discrimination is a worthy pursuit. But in pursuing such, no sector must consequently be discriminated against,” mariing-diin ni CIBAC Representative Eddie Villanueva laban sa SOGIE Bill sa kamakailan niyang speech.

Bilang Deputy Speaker of Moral Transformation at Good Governance, sinabi ni Villanueva na lumalawak na ang kontrobersiyal na isyu kay Gretchen Custodio Diez sa kanilang karapatan sa paggamit ng comfort room ng kababaihan.

Dagdag nito, ano ang mangyayari sa ating buhay kung ito ay maaaprubahan? Maaatim ba nating tatanggapin ang hook-line-and-sinker, philosophy, proposition at penal nature ng SOGIE Bill?

Bukod pa rito, ibinahagi rin ni Rep. Villanueva na maaapektuhan din sa bill na ito ang role ng mga magulang sa pamilya sa family court order kung gugustuhin nila na ang kanilang mga anak ay papayagang mag-medical o psychological examination kaugnay sa SOGIE Bill. Makaaapekto rin umano ang bill sa speech at religious freedom.

“Paano na ang mga Christian na tulad ko at majority ng lahat ng tao, palagi na ba tayong parurusahan sa tuwing nagbabahagi tayo ng mga Bible-based belief tungkol sa transgender at homosexual? Inirerespeto namin ang pinili nilang buhay ngunit, kung tayo na ang susunod sa kanilang pamumuhay ay maaapakan na natin ang sarili nating karapatan,” sabi ni Rep. Villanueva.

Sinuportahan nina Rep. Lito Atienza at Minority Leader Rep. Benny Abante ang hinaing ni Villanueva laban sa SOGIE Bill.

Samantala, sinabi naman ni Rep. Geraldine Roman, ang unang transgender congresswoman, na basahin munang mabuti at intindihin ang nilalaman ng bill at huwag agad maapektuhan sa anumang kinalabasan sa ibang bansa.

Ang SOGIE Bill ay naaprubahan ng House of Representatives ngunit hindi nakapasa sa Senado.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page