Ama at STI, sosyo na sa liderato ng UCSAA
- A.Servinio
- Sep 4, 2019
- 1 min read

SUMOSYO ang AMA University at STI College sa maagang liderato ng 9th Universities, Colleges and Schools Athletic Association (UCSAA) matapos ang pangalawang araw ng aksyon sa AMA-Quezon City Gym. Lumusot ang AMA sa bisitang World Citi Colleges-Aeronautical and Technological College, 77-76, habang dinurog ng STI ang Don Bosco Technical College, 101-57, para parehong maitala ang ikalawang tagumpay.
Sa gitna ng mainit na paghabol ng WCC-ATC, pinasok ni Jay-R dela Rosa ng AMA ang mahalagang free throw upang lumayo ng bahagya na may tatlong segundo sa orasan. Binigyan ni dela Rosa ng foul si David Velvez subalit isa lang na free throw ang napasok niya at naubos ang oras.
Nanguna para sa Titans si Nikon Alina na may 18 puntos at 15 rebound habang may 13 puntos at 16 rebound si Gerard Austria upang matakpan ang hindi paglaro ni Andre Paras.
Nag-ambag din ng tig-15 puntos sina Luke Parcero at dela Rosa. Umarangkada agad sa STI sa Grey Wolves sa unang quarter, 24-8. Namuno para sa Olympians sina Rhon Amogues at Ryan Spencer Operio na parehong may 15 puntos at Lawrence Mallari na may 12 puntos at rebound.





Comments