Show ni Willie, stop uli!


UNDER renovation ngayon ang Studio 6 ng GMA-7 kung saan ginaganap ang game show ni Willie Revillame na Wowowin.
Halos isang buwan na mamamahinga sa pagteteyping ang mga hosts, dancers at staff ng show. Pero hindi mawawala sa ere ang Wowowin dahil marami nang nakapondong episodes na nai-tape ang show. Araw-araw pa rin itong mapapanood.
Babaguhin ang set ng Wowowin at pati upuan ng studio audience ay iibahin at titibayan para safe ang lahat. Maging ang lightings sa studio ay mababago rin upang mas mapaganda pa ang effects nito sa mga viewers.
Sa Sept. 22 ang tentative na pagbabalik-teyping ng Wowowin. Mahaba-habang bakasyon din ito para sa mga hosts na sina Almira Teng, Elaine Timbol at Hipon Girl na si Herlene Budol.
Si Revillame ang personal na magsu-supervise ng trabaho/renovation ng studio ng Wowowin. May mga pagbabago raw na magaganap sa show at ‘yun ang dapat abangan ng mga suki nito.
May mga bagong segments at games. Marami ring mga bagong sponsors ang papasok sa gameshow na maging abroad ay pinanonood ng ating mga kababayang Pinoy. Aliw na aliw sila sa palarong Hep, Hep, Hooray! at Putukan Na!. Kahit sabihin pang ordinaryong palaro lang ito, still, gustung-gusto ito ng mga viewers ng Wowowin.





Comments