Sana, naging choosy para 'di na-ghosting… SIKAT NA YOUNG ACTRESS, PINALIGUAN NA NG MAMAHALING RE
- Erlida Rapadas
- Sep 3, 2019
- 1 min read
BLIND ITEM:
ISTULANG matron at gay lover ang isang sikat na young actress na sobrang manuyo at magregalo sa kanyang BF na guwapong aktor. Palibhasa’y kumikita ng malaki sa kanyang mga product endorsements, pelikula at shows si young actress kaya can afford siyang magregalo ng mga branded stuff sa kanyang poging boyfriend.
Feeling ni young actress, ang ganda-ganda niya nang makarelasyon ang young actor na napakalakas ng sex appeal at kinababaliwan ng mga chicks.
Bukod sa mga personal na gamit ng young actor, isa ring mamahaling motorsiklo ang iniregalo sa kanya ng young actress GF. Pero, hindi pala nakukuntento sa rega-regalo ang karelasyong aktor dahil marami rin itong natatanggap sa iba. Kaya, hindi big deal ang mga branded gifts sa kanya ng sikat na young actress, hanggang sa nauwi nga sa paghihiwalay ang lahat.
Si poging aktor ang nagsawa at kumalas na sa kanilang relasyon. Noong una, nagamit lang niya ang ka-love team na sikat na young actress para sa kanyang career. Kaya nang sumikat na, kumalas na siya sa kanilang love team at iniwan ang young actress na sobrang nasaktan at na-depressed nang mag-break sila.
Kahit papaano, nakabangon at naka-move on na ang brokenhearted na sikat na young actress. Ipinapareho siya ngayon sa isang aktor na alam ng lahat na “drama” at palabas lang ang kanilang relasyon.





Comments