top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

PHL cadet chesser racasa, future WGM

Eddie M. Paez, Jr.
Sep 3, 2019
1 min read

TILA nakita na ang mukha ng hinaharap ng Philippine Women’s Chess sa katauhan ng musmos na si Antonella Berthe Racasa matapos itong makakulekta ng mataas na 134.4 FIDE rating points sa 2019 FIDE World Cadet Chess Championships Girls U12 na nagsara sa Weiqi City Anqui Qilu Wine Culture Creative Industry Park ng Weifang, Sandong Province, China.

Tinapos ni Racasa ang kompetisyon bitbit ang 7 puntos mula sa 11 rounds para mapabilang sa top 20 finishers. Tila walang kinang ito sa karamihan pero si Tonell ay nagpabagsak ng tatlong higante. Ito ay sina Bulgarian Woman Candidate Master Dilyana Ivanova Rus­sian gem, Olga Karma­nova at German bet Katerina Braetigam.

Ang malupit pa nito ay seeded no. 45 lang ang nag-iisang kinatawan ng bansa sa kompetisyon dahil sa may kababaang rating na 1380. Kasama sa mga pinatumba o ‘di kaya ay nahugutan niya ng kalahating puntos ay ang mga kalahok na pulos may mas mataas na rating tulad ni Vietnamese Linh Khanh Ha Nguyen (tagumpay nung round 9, rating: 1500) at Canadian Yuhua Kate Jiang (draw sa round 6, rating: 1671). Tatlong pagkatalo ang natik­man niya sa torneo at pang-14 sa ranking pagka­tapos ng 11 rounds.

Sa kabila nito, dahil sa impresibong laro ng promi­nenteng kasapi ng Home­school Global, bukod sa 134.4 FIDE points, ang kanyang naging performance rating ay 1652 sa paligsahang nilahu­kan ng mahigit 90 paslit na chessers mula sa iba’t-ibang parte ng daigdig. Inaasahan ding tataas nang husto ang kanyang FIDE rating dahil sa resulta ng kanyang performance sa paligsahan sa China.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page