Kinabahan ng pumasok ang BidaMan sa It’s Showtime… RYLE, IBINULGAR NA TATAMAD-TAMAD ANG IBANG HASHTA

AMINADO si Ryle Santiago na noong una ay na-insecure ang Hashtags sa mga BidaMan sa It’s Showtime.
“Kasi, wala pa ‘yung BidaMan, may plano na. Na ‘Oh, may group na ra-rival sa inyo,’ ganyan-ganyan,” sey ni Ryle sa contract signing niya sa Megasoft Hygienic Products, Inc. bilang ambassador ng Cherub Baby Care Products na ginanap last Saturday.
Kaya natatawa niyang sabi, ‘yung mga kamiyembro niya na hindi inaayos ang trabaho ay biglang tumino.
Sino ba ang hindi inaayos ang trabaho?
“Marami,” sambit niya, “Tapos, biglang pumasok ang BidaMan and everything, ngayon, tanggap na namin sila. Kasi nagiging tropa na namin sila,” sambit niya.
Ang nakakatuwa nga raw, sa kanila pa humihingi ng advice ang BidaMan gayung mas matanda raw sa kanila ang iba.
“Ang lakas makatanda,” sey pa niya.
Pero ang payo lang daw niya sa mga ito, alagaan ang career dahil baka maupakan niya ang mga ito kapag tatamad-tamad.
“Kasi sabi ko, ‘Ang ganda ng posisyon n’yo ngayon, huwag kayong tamarin,’” payo raw niya.
“Kasi, ang daming taong handang pumatay para sa posisyon namin, para sa posisyon nila, tapos pababayaan din nila. Kaya ‘yun din ang ikinakapikon ko sa ibang mga Hashtags, naging complacent masyado,” sey pa niya.
Samantala, happy si Ryle na muli siyang pinagkatiwalaan ng Megasoft para sa Cherub Baby Care at for the next 18 months ay muli siyang makikita sa mga schools sa iba’t ibang parte ng Pilipinas para mag-ikot para sa School is Cool Tour na advocacy ng Megasoft.





Comments