Kelot, nadedbol sa van
CAMARINES SUR—Isang lalaki ang namatay nang aksidenteng mabangga ng van kamakalawa sa Maharlika Highway sa bayan ng Nabua.
Nakilala ang biktimang si Luis Apondar, residente sa nasabing bayan.
Nabatid na habang tumatawid sa kalsada si Apondar ay aksidente itong nabangga ng van na minamaneho ni Ariel Lerit sa naturang lugar.
Nabatid na namatay sa pinangyarihan ng aksidente si Apondar, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide si Lerit.





Comments