top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Gilas, ‘di pinaporma ng serbia

Alvin Olivar
Sep 3, 2019
2 min read

NALASAP ng Gilas Pilipinas ang pangalawang sunod na talo matapos talunin ng Serbia, 126-67, kagabi sa 2019 FIBA Basketball World Cup sa Foshan, China.

Gaya ng inaasahan ay natambakan ang Gilas Pilipinas ng Serbia na tumapos na pangalawa sa nakaraang World Cup noong 2014 sa Spain. Naglalaro para sa Serbia ang mga NBA player na sina Nikola Jokic, Bogdan Bogdanovic at Boban Marjanovic.

Impresibo ang naging simula ng Gilas Pilipinas sa laro. Matapos maunahan ng Serbia, 5-0, ay gumawa ang Gilas Pilipinas at nakakuha pa ng 9-7 na abanse sa first quarter. Sinagot naman ito ng Serbia sa kanilang pagbuslo ng siyam na sunod na puntos para makuha ang 16-9 na abanse.

Tuluyan nang lumayo ang Serbia sa second quarter sa pamamagitan ng mainit na shooting ng koponan. Nakakuha ng 62-35 na abanse ang Serbia matapos ang 34-22 na second quarter. Umiskor ang Serbia ng 37 points sa 3rd quarter kontra sa 13 ng Gilas para masungkit ang 99-48 na kalamangan.

Samantala, tinalo ng Italy ang Angola, 92-61, kahapon sa 2019 FIBA Basketball World Cup sa Foshan International and Cultural Arena sa Foshan, China.

Nanaig na naman ang outside shooting ng Italy sa laro matapos bumuslo ng 12 na tres sa laro upang makuha ang kanilang pangalawang panalo sa Group D. Lumapit ang Italy sa pagku­ha ng puwes­to sa round-of-16 sa kanilang pagsikwat sa pangalawang panalo sa Group D. Nauna nang nanalo ang Italy kontra Gilas Pilipinas, 108-62.

Sunod na makakaharap ng Angola ang Gilas Pilipinas sa Miyerkules. Gumawa ng 15 points at 8 rebounds si Yanick Moreira habang 12 points ang ginawa ni Paulo Leonel

Sa ibang resulta, tinalo ng Argentina ang Nigeria, 94-81. Gumawa ng 23 points at 10 rebounds si Luis Scola na naging pangalawang leading scorer sa buong kasaysayan ng FIBA Basketball World Cup matapos lagpasan si Andrew Gaze.

Tinalo naman ng Venezuela ang Ivory Coast, 87-71, habang nanalo ang Tunisia kontra Iran, 79-67.

Samantala, binitbit nina NBA Boston Celtics player Kemba Walker at Jayson Tatum ang Team USA matapos ang malakas na laro para idepensa ang FIBA Basketball World Cup title sa bisa ng 88-67 na panalo kontra Czech Republic sa Group E action. May pinagsamang 20 puntos sina Tatum at Walker sa first half ng U.S. bagamat malamya pa ang kanilang laro. Tanging si Tatum ang masipag sa laro lalo na noong training camp ng nakaraang buwan sa Las Vegas, nakapagsalpak ng dalawang tres puntos sa laro upang magpatloy ang pana­nalasa. Nakatapos si Tatum ng 10 puntos. “Playing together so much together now [with Walker] has built up chemistry for the season,” Tatum said. “Hopefully there’s good things to come for the future.” Bagamat madalas ang pananamlay ng players, buo pa rin ang loob ng world no. 1 team at ibigay ang kanilang husay kontra Europeans.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page