Diliman blue dragons, team to beat sa 4th UCBL

MAGBUBUKAS ang ika-apat na PG Flex Linoleum Universities and Colleges and Basketball League (UCBL) sa Set. 5 sa Olivarez College sa Parañaque City. Lumaki sa walo ang kasamang paaralan ngayon taon at nakatuon ang pansin sa defending champion Diliman College Blue Dragons sa pakay na ikalawang sunod na kampeonato.
Babalik sa liga ang University of Batangas Brahmans at sila rin ang host school matapos lumiban ng isang taon. Unang sasabak ang National College of Business and Arts bilang pinakabagong kasapi at layon ng Wildcats na gumawa agad ng ingay.
Ang kampeon noong 2016, Centro Escolar University Scorpios, Olivarez College at Technological Institute of the Philippines ang mga napipisil na maagang paborito dahil sa karanasang maglaro sa PBA D-League at iba pang mga torneo habang hinihintay ang UCBL.





Comments