top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Boga, ipinagyabang ng 2 lalaki sa resto-bar, tiklo

Pabs Hernandez III
Sep 3, 2019
1 min read

ORIENTAL MINDORO—Dalawang lalaki ang inaresto ng pulisya nang magpakita ng baril sa loob ng resto-bar kamakalawa sa Bgy. Marfrancisco, Pinamalayan.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Gregorio Añonuevo at Esmael Untalan, kapwa nakatira sa naturang lalawigan.

Ayon sa ulat, habang nag-iinuman ang grupo ni Tristan Jamilla ay umupo sa kanilang harapan ang dalawang suspek at pagkaraan ay pinakitaan sila ng baril ni Añonuevo.

Dahil dito, inireklamo ni Jamilla sa pulisya sina Añonuevo at Untalan kaya dinakip ng mga awtoridad ang dalawang suspek na nakumpiskahan ng baril at mga bala.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page