top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Bawas-assignment kesa sa no homework, mas oks

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 3, 2019
1 min read

HABANG hinihintay kung lulusot ang panukalang-batas na nagbabawal sa pagbibigay ng assignment sa mga estudyante tuwing weekends, maglalabas naman ang Department of Education (DepEd) ng guidelines sa pagbibigay ng homework tuwing weekdays.

Sa nasabing panuntunan, ilang assignment lamang ang maaaring ibigay ng mga guro sa mga mag-aaral. Tutukuyin din kung ano ang mga isasamang subject at kung sino ang mga estudyanteng masasakop ng polisiya.

Matatandaang, una nang sinabi ng pamunuan ng DepEd na pabor ito sa ‘no homework bill’.

Ilan sa mga nakikitang dahilan ay wala umanong garantiya na ang mga bata mismo ang gumagawa nito. Hindi maitatangging madalas ang mga magulang o tagapag-alaga ang gumagawa ng assignments ng mga bata.

May mga umaaray din sa gastos na anila’y dagdag pa sa kanilang iintindihin bukod sa baon. Inirereklamo rin na kung minsan ay mahirap hagilapin ang mga ipinaa-assignment.

Aminado rin ang ahensiya na masyado nang mahirap ang curriculum at napakarami nang subjects at school activities ng mga bata. Kung hanggang sa bahay ay subsob ang mga bata sa gawaing pang-eskuwela, maaapektuhan ang oras nito na laan sana para sa pa­milya at mga kaibigan.

Samantala, hindi na siguro kailangan ng batas para sa usaping ito lalo at puwede namang gumawa ng guidelines ang DepEd. Kung naipatutupad naman na ang ‘no homework’ tuwing weekends, puwede na ang bawas-assignment ‘pag weekdays.

Kailangan ding may oras ang mga bata na mag-aral kahit nasa bahay lalo na sa panahon ngayon na palagi silang babad sa gadgets.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page