Tulak, tiklo sa buy-bust
Pabs Hernandez III
Sep 2, 2019
1 min read
BASILAN—Naaresto ang isang drug pusher sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Maligue, Isabela City.
Nakilala ang suspek na si Jalali Muarip, nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng ilang sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Muarip na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments