top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Na-rape, ayaw tanggapin ang anak, gustong ipasa na lang sa iba

  • ROMA AMOR
  • Sep 2, 2019
  • 2 min read

Dear Roma,

Itago na lang ninyo ako sa pangalang Vero­nica, 20 years old at may 2-anyos na anak. Sumu­lat ako sa inyo dahil naiinis na ako sa mga tao sa pa­ligid ko. Puro na lang sila pambabatikos sa akin, na­karirindi na! Ayoko na kasi sa anak ko, madalas ko ‘yang nararamdaman. Sa tuwing nakikita ko kasi siya, naaalala ko lang ‘yung masalimuot na nang­yari sa akin. Nu’ng nagtatrabaho ako sa bar, isang araw ay sobra akong nalasing. May customer du’n na dinala ako sa mo­tel nang hindi ko alam. Nalaman ko na lang kina­bukasan sa front desk. Ma­tapos ang ilang linggo, nalaman kong buntis ako. Gusto ni mama na ku­nin muna ang bata at sila na raw ang magpapalaki. Tama lang sigurong ibi­­gay ko siya sa kanila, ‘di ba? — Veronica

Veronica,

Sadyang kumplikado ang sitwasyon mo, iha, ngu­nit, ang bawat problema ay may solusyon. Sa totoo lang, walang kasalanan ang bata kung anuman ang nang­yari sa iyo at sa lalaking tinutu­koy mo, pero sis, wala na ngang kalalakihang ama ang anak mo, ngayon mo pa ba siya iiwanan? Higit na mas kaila­ngan ka niya ngayon. Pero, kung hindi mo na talaga ka­yang maging ina sa anak mo, makabubuti kung ipau­ubaya mo na lang muna siya sa nanay mo, lalo na at ikaw na rin ang nag­sabing gusto nilang pala­kihin ang anak mo. Sa ga­nitong paraan, magkaka­roon ka ng pagka­kataong ayusing muli ang sarili mo. Nauunawaan natin na min­san, ang mga tao sa paligid natin ay nakakainis dahil sa paulit-ulit nilang paalala, ngunit, darating din ang pa­nahong mami-miss mo ang lahat ng pangaral nila. Sad­yang mahirap ang sitwasyon mo, pero tiwala lang, sis! Ma­kakaya mo rin ‘yan. God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page