Mamigay na rin ng matatamis na pagkain... MAGPA-PARTY SA NEGOSYO KAHIT HINDI PA PASKO, MASUWERTE
- BULGAR

- Sep 2, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ang ilang mahahalagang impormasyon para sa mga negosyante kung ano ang magandang gawing ngayong ber months.
Noong nakaraang isyu, ibinahagi natin ang mga paraan para suwertehin ngayong ber months ang mga tauhan sa mga negosyo. Ngayon, ang mismong negosyo o ang namumuhunan ang papayuhan natin ng mga bagay na magandang ipatupad.
Maghanda ng bongga o malapiyestang selebrasyon. Sagana sa mga pagkain at inumin. Hindi ibig sabihin ay mga inuming nakalalasing pero, maaaring red wine at iba pang inumin na may mababang alcohol content.
Mag-awitan at magsayawan.
Kailan? Inirerekomenda na ang bonggang party ay sa anumang araw na pasok 7 days bago ang susunod na zodiac sign.
Buksan ang mga bintana, pinto, gate at iba pang daanan ng hangin.
Maganda rin na magpamisa sa umaga o bago ang lunch time.
Magbigay ng mga regalo sa mga tauhan.
Magkaroon ng charity activities sa mga institusyon na tumutulong sa mahihirap.
Puwede rin na direktang regaluhan ang mga kapus-palad o mga mahihirap.
Inirerekomenda na mamigay ng candies, chocolates at sweets sa mga tao, lalo na sa mga bata.
Huwag kalimutan na maghanda ng matatamis na pagkain sa meryenda.
Huwag itapon ang mga pagkaing matatamis na hindi naubos at ilagay ang mga ito sa garden o sa lugar na may mga halaman.
Ang lahat ay pinapayuhan na mag-full bath o ang paliligo kung saan lilinising mabuti ang buong katawan.
Pagkatapos ng bonggang selebrasyon, yayain ang lahat na magkuwentuhan, as in, palalayain sa mahigpit na patakaran sa place of business.
Pagkatapos magkaroon ng maiksing kalayaan ang mga tao, muling ipaalala sa kanila ang mga ipinatutupad na patakaran na nagsasabing, muli silang magkaroon ng “new vow” sa mga regulasyon ng kumpanya.
Inirerekomenda na isama ang mga tauhan sa pagdarasal at ang mga tauhan ay isasama sa kanilang pagdarasal ang may-ari at ang kumpanyang kanilang pinagtatrabahuhan.
Inirerekomenda rin na kahit may kalayuan pa ang kapaskuhan, puwede nang maglagay ng mga Christmas decoration.
Higit sa lahat, panatilihin ang kalinisan sa place of business.
Hindi dapat manghinayang sa mga magagastos sa pagsasaya dahil ang masayang pagsalubong ngayong ber months ay pinaniniwalaang magpapaganda sa takbo ng negosyo.
Good luck and God bless!




Comments