top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Hibang na pagmamahal Ni: Ronalyn Semininano Reonico

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 2, 2019
1 min read

Minsa’y nauhaw itong puso sa pag-ibig.

Hinamak ang lahat para lamang sa ilog, paulit-ulit na naipadaramang sakit.

Tila binabalewala, ‘di alam kung bakit.

Sa kabila ng pait at paulit-ulit na laro, ‘di maipali­wanag kung bakit ayaw pang lumayo.

Pusong marupok, ipinaiiral ay katangahan, hindi bumitiw kahit paulit-ulit nang nasaktan.

Ilang beses nang nasaktan,

ilang beses nang sinayang at iniwan.

Ilang ulit na at hindi na rin mabilang, napakaraming bagay at taong humahadlang.

Sarili’y palaging ipinipilit,

sa mundong puno ng panlalait.

Pinipilit ang sariling kumapit sa mundong nagnanais ng langit.

Lamat sa puso’y tila lumalala, binabasag, winawasak ng pait ng alaala.

Sakit, tila hindi na maka-yanan kaya sarili’y mulat, ngunit, hindi matauhan.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page