Pacman vs. Lomachenko match sa catchweight

MAGKATAPAT sa tikas sina 8-Division World Champion Manny “Pacman” Pacquiao at Unified Lightweight champion Vasyl Lomachenko ng Ukraine sa isang ‘catch weight’ bout.
Iyan ang iminungkahi ni Top Rank owner at chairman Bob Arum na magiging blockbuster umano ang magiging salpukan ng dalawang kampeon lalo pa’t matindi ang pagnanais ni Lomachenko na umakyat ng weight category, ngunit dehado siya kung aakyat ng sobra sa timbang ni Pacman.
Nakatakdang sumabak ang 31-anyos na 2-time Olympic gold medalist na si Lomachenko (13-1, 10KOs) laban kay Luke Campbell (20-2, 16KOs) ngayong araw sa O2 Arena sa London, England para sa bakanteng WBC WBO, WBA at Ring magazine lightweight title. “I would love to see that fight. I don’t think Pacman can get down to 135. But probably we’d do that fight at a catch-weight of let’s say 138,” wika ni Arum sa panayam ng Sirius XM Radio.
May ilang taon din ang pinagsamahan nina Pacman at ng 87-anyos na top promoter matapos nitong hawakan ang karera ng pambansang kamao at hinangaan ng Top Rank boss ang laban kay Keith “One Time” Thurman noong Hulyo sa Las Vegas.
Gayunman, inaalala rin ng boxing promoter ang kalusugan ng 40-anyos na Fighting Senator dahil sa rami na ng suntok sa katawan ay baka puwede na itong magretiro. Ang pamosong boksingerong si Muhammad Ali ay lumitaw ang Parkinson’s disease, tatlong taon matapos itong magretiro noong 1984. “I’m really concerned. Did he look good in that fight? Sure! If he was 35 or 40, you don’t worry about him that much, but in his 40s? To take punishment like that —, I’m worried,” pag-aalala ng New York City native.





Comments