top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Muntikan na raw na maging sila kahit may Alma pa… SYLVIA, KUMANTANG GINAGAPANG NI TSONG JOEY NOON SA

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 1, 2019
2 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

AYON sa lead actress ng Pamilya Ko na si Sylvia Sanchez, muntik na silang magkaroon ng relasyon ng kanyang leading man na si Joey Marquez. Ilang beses na raw silang nagkatrabaho ni Tsong Joey.

Kuwento ni Sylvia sa grand mediacon ng Pamilya Ko, “Noong mga bata-bata pa kami, kapag natapos na ang shooting namin, si Joey, guma­gapang papunta sa tent namin.

“Eh, nakikita ko siya at sisi­gaw ako ng ‘Si Alma (More­no)… si Alma!’ Biglang babalik agad ‘yan sa tent niya.

“Siguro, kung wala siyang Alma nu’ng time na ‘yun, baka naging kami rin. Madali rin naman kasing ibigin ‘yang si Joey dahil napakabait na tao.

“Ang kinaigihan lang nu’n, hindi man naging kami ay naging magkaibigan naman kami. Katunayan, ninong siya ng anak kong si Arjo (Atayde).”

Sabi naman ni Tsong Joey, “Napakaganda niya talaga, napaka-sexy, napakaputi at saka madaling pakisamahan.”

At dahil marami na nga silang pinagsamahan noon, nu’ng sinabi raw sa kanya na kailangan nila ng lalaking mahusay sa komedya, naisip daw niya agad si Joey.

“Nang sinasabi na nila ang mga aktor na dapat kong makasama sa Pamilya Ko at pumasok ang pangalan ni Joey, idinadasal-dasal ko talaga na siya ang kunin. Hindi naman ako nabigo. Kaya eto, mag-asawa kami sa Pamilya Ko.”

Pupukaw sa mga manonood ang bagong Kapamilya serye na Pamilya Ko na magpapakita sa pagsubok na hinaharap ng bawat pamilya — mula sa pagtataksil, away-kapatid, at trahedya — at ang mga bagay na magbubuklod sa kanila — pagpapatawad, pagtanggap at pagmamahal.

Ang gaganap na mga anak nina Sylvia a.k.a. Luz­viminda at Joey a.k.a Fernan ay sina JM de Guzman, Kiko Estrada, Kid Yambao, Jairus Aquino, Maris Racal, Kira Balinger, Mutya Orquia at Raikko Mateo.

Ang Pamilya Ko ay mapapanood na sa Lunes, September 9, bago mag-TV Patrol. Kapalit ito ng prog­ramang Minute to Win It.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page