2 bagets, dedbol sa aksidente
- Pabs Hernandez III
- Sep 1, 2019
- 1 min read
NORTH COTABATO—Patay ang dalawang binatilyo nang aksidenteng bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa warning device ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kamakalawa sa Bgy. New Pontevedra, Antipas.
Nakilala ang mga biktima na sina Debbie Alminares, 17-anyos, at Jericho Egonia, 15, kapwa nakatira sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng motorsiklong kinalululanan nina Alminares at Egonia kung saan tumilapon ang mga biktima mula sa motor at on-the-spot na binawian ng buhay.
Samantala, inaalam na ng mga awtoridad kung sino sa dalawang biktima ang nagmamaneho ng motorsiklo nang maganap ang aksidente.





Comments