top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sana ako pa rin Ni: Kristine David

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 31, 2019
  • 1 min read

Sana ako pa rin hanggang dulo, ako pa rin ang mahalin mo kasi ‘yan ang pangako mo.

Minahal kita ng buong puso, kaya hayaan mo akong mahalin ka rin hanggang dulo.

Hayaan mong hintayin kita tulad ng aking pangako

hanggang sa puwede nang maibalik ang dating tayo.

Hayaan muna natin ang tadhana kung anong problema ang ating haharaping magkasama.

Pero, ngayon ako muna’y mag-isa, aalalahanin na lang ang mga panahong tayo’y masaya.

Kaya ‘wag mo sanang isipin na napagod akong lumaban mag-isa.

Sa puntong ito, hindi ko alam kung paano magsisimula.

Mahal, maghihintay ako hanggang sa puwede na ulit maging tayo

Sana akin ka pa rin, sa mga lilipas na panahon

mahal kita at mamahalin pa rin kita.

Maghihintay ako dahil ‘yan ang aking pangako.

Pero, isa lang ang kahilingan ko, sana, sa akin ka pa rin hanggang dulo.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page