top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Old timer at national pride

Ding Taboy
Aug 31, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

AALAGWA ngayong hapon ang 9 na karera at ipinapatok ang dalawang mananakbo sa Condition Race sa Metro Manila Turf Club Inc,(MMTCI) sa Malvar, Batangas.

Nakasisiguro ang bayang karerista at panalo ng Old Timer sa Race 5 at National Pride sa Race 9. Masasabi ko na balikatan ang laban subalit may mga pinapaboran na kalahok na mag­bibigay ng magandang puntos sa Winner Take All (WTA) Pick 6, Pick 5, at Pick 4.

Sa Race 1 na nakalalamang ang Condessa at makakalaban ang couple entry na Let It Go Let It Go at Superal, sa­man­talang magbibigay ng magandang laban ang Sweetness na simula ng WTA. Sa Race 2 magaganap ang 1st Pick 5, nakalalamang ang Rapids Run at River Island, binibigyan ng panalo ang Batas Kamao at Tonador Sprinter at Tempus Fugit. Balikatan ang laban sa Race 3 na umpisa ng 2nd WTA na maglalaban-laban ang Sensa of Rhythm, Sabtang Island at High Ranks.

Sa Pick 6 sa Race 4, nakalalamang ang Prime Time Magic sa katunggaling Dancer’s Image sa 2 Year Old Maiden Race. Ipinapatok ang Old Timer sa Race 5 na simula ng 2nd Pick 5 at pa-forecast ang Taranasakalyos, isama ang Couple entry na I love Henry at Hold Me Tight Baby sa Trifecta.

Gayundin ang Easy To Win panolo sa Race 6 at i-forecast ang Ambet Ko To at Morning Girl para sa Trifecta na pag­sisimula ng Pick 4. Ipinapatok ang Top Attraction sa Race 7, at Manila Boy sa Race 8 ngunit, kung may panalo ang Queensboro at may tsamba ang Ava’s Tale.

Pandiin ang National Pride sa Race 9 at puwedeng ilagay bilang pamalit ang couple entry Truly Ponti at Summer Ro­mance. Tips ni Mang Ding: Race 1Condessa (11) Entry No.1 Race 2- Entry No.5 Barrio San Jose(4) Race 3- Sense of Rhythm (1) Sabtang Island (3) Race 4- Prime Time Magic(2) Dancer’s Image(4) Race 5- Old Timer(7) Race 6- Easy To Win (2) Race 7- Top Attraction (8) Race 8- Manila Boy(4) Ava’s Tale(5) Race 9- National Pride(3) Entry No.7 1st WTA(1-7) 11-1/5-6/1-3/2-4/7/2/8/ 2nd WTA(3-9) 1-3/2-4/7/2/8/2-4-5/3/ 1St Pick 5(2-6) 5-6/1-3/2-4/7/2/ 2nd Pick 5(5-9) 7/2/8/2-4-5/3 Pick 6(4-9) 2-4/7/2/8/2-4-5/3/ Pick 4(6-9) 2/8/2-4-5/3

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page