Kung puwede nga lang 'di na sikatan ng araw, ginawa na niya… MAGALING NA AKTRES, 'DI NA IDED
- Erlinda Rapadas T.
- Aug 31, 2019
- 1 min read
BLIND ITEM:
ALANG-ALANG sa kanilang mga anak, hindi na itinuloy ng magaling na aktres ang pagdedemanda sa mister na nahuli niyang may mistress.
Noong kainitan ng kanilang away at paghihiwalay, desidido ang aktres na sampahan ng demanda ang taksil niyang mister. Pero dahil sa pakiusap ng mababait niyang in-laws ay hindi na nagdemanda pa ang aktres. Katwiran niya ay ayaw niyang ipagkait sa kanilang mga anak ang karapatan na makasama ang kanilang tatay kaya nahihiram-hiram ng mister ang mga anak nila.
Pero nasabi ng aktres na kung napatawad man niya ang kanyang mister sa ginawa nitong pagtataksil, hinding-hindi raw niya mapapalampas ang babaeng nang-ahas dito. Gagastusan daw niya at kukuha siya ng magagaling na abogado upang maparusahan ang babaeng nang-agaw sa kanyang mister.
Nanahimik na ang mundo ng magaling na aktres ngayon. Humupa na ang kanyang matinding galit sa mister. Pero kahit daw nagkapatawaran na sila, hindi na niya ito kayang tanggapin bilang asawa at magsama pa silang muli.
Isang bagay na ayaw paniwalaan ng marami dahil bukod sa guwapo ang dati niyang mister, eh, super rich din ang pamilya nito.





Comments