Kahit 4 yrs. na at niyaya nang mag-asawa… LOVELY, AYAW PANG PAKASAL SA BF NA ANAK NI JOSE MANALO
- BULGAR

- Aug 31, 2019
- 1 min read

TIYAK na marami ang mai-insecure kay Lovely Abella dahil kasama siya sa Throwback Pag-ibig, ang unang istorya na tampok sa Wagas, isang drama anthology na muling nagbabalik sa ere.
Maiiba ang role rito ni Lovely, hindi siya magpapatawa kundi serious acting ang kanyang gagawin.
Napansin ang talent ni Lovely sa comedy dahil sa magandang exposure niya sa Bubble Gang at sa Sunday PinaSaya. Lumutang din ang kanyang character bilang OFW na Bisaya sa blockbuster movie na Hello, Love, Goodbye kung saan isa siya sa mga kaibigan ni Kathryn Bernardo. Maraming moviegoers ang naaliw nang husto sa kanyang role.
Balita namin, may offer na ulit ang komedyana mula sa Star Cinema, pero siyempre, kailangan na magpaalam pa rin siya sa movie outfit ng GMA Network at sa manager niyang si Rams David.
Likas na masayahin at matsika si Lovely. Ma-PR din siya sa entertainment press.
May marriage proposal na ang BF ni Lovely na si Benj Manalo (anak ni Jose Manalo) na four years na niyang karelasyon. Pero hindi pa nila balak magpakasal agad-agad lalo na’t may mga shows at projects si Lovely na pagkakaabalahan at nag-usap na sila ng kanyang soon-to-be husband tungkol dito.
Sayang naman kasi ang oportunidad na dumarating ngayon kay Lovely. Nagsisimula pa lang dumating sa kanya ang suwerte at big break sa kanyang career.





Comments