Ipinagsigawang 'di dyowa si Vice, binanatan… RESBAK NI ION SA MGA BASHERS: PASENSIYA NA, PROBIN
- BULGAR

- Aug 31, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

MUKHANG dumami ang mga bashers ni Ion Perez matapos ang naging pahayag niya sa tunay na estado ng kanilang relasyon ni Vice Ganda.
Ayon kay Ion, wala silang relasyon ng Unkabogable Star at mahal lang niya ang komedyante bilang kaibigan.
Aminado si Kuya Escort na nasasaktan siya sa mga batikos na ibinabato sa kanya ngayon at hindi rin daw niya inakala na magkakaroon ng malaking impact ang kanyang sinabi.
Aniya, “Hindi ko naman naisip na ganito pala kasakit ‘pag nakakatanggap ka ng masasakit na salita.”
Sa kabila nito, pinili na lang ni Ion na magpakumbaba kesa patulan ang mga bumabatikos sa kanya.
“Ang masasabi ko lang naman, pasensiya na kasi kung paano ako, ‘yung ugali ko bilang probinsiyano, ganu’n talaga ako, eh,” pahayag ni Kuya Escort.
Dahil dito, muling natanong si Ion kung ano ba talaga ang relasyon nila ni Vice, pero mas pinili na lang niyang manahimik at hindi ito sagutin.
Kung may mga bashers, may mga sumusuporta pa rin sa kanila ni Vice at ani Ion sa kanilang mga fans, “Nagpapasalamat ako kasi talagang tsini-cheer-up talaga nila ako, sobra. At nagpapasalamat ako sa mga Vice-Ion fans.”





Comments