Do it right campaign, para sa pamilyang Pilipino
Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Eleven organizations ang nagsanib-puwersa para sa pagpapalaganap at pagsuporta ng mga Pinoy sa family planning at reproductive health (RH) sa tulong ng “DO IT RIGHT” slogan at hand sign.
Halos 70% ng mga Pinoy ang sumusuporta sa family planning, pagiging responsableng magulang at RH Law.
Ang “DO IT RIGHT” campaign ay idinisenyo para ma-encourage ang lahat na ibahagi ang kanilang mga kuwento sa pamamagitan ng pag-post sa mga social media account.
“Mararamdaman ng bawat Pinoy ang kalayaan sa pagbabahagi ng kanilang mga kuwento at pagiging positibo sa buhay,” bahagi ni co-organizer Benjamin de Leon, president of The Forum for Family Planning and Development.
Kasama rin sa campaign na ito ang social-media blitz, festival events, pati na rin ang advertising sa traditional media tulad ng billboard, print at radio. Ini-encourage ang mga couple at kahit single na mag-pose ng kanilang ‘Do It Right’ hand sign at i-post sa kanilang social media accounts. Ang hand sign na ito ay dalawang daliring magkadikit na nagre-represent ng couple at may thumb-in between na nagre-represent naman bilang contraceptive o safe sex na nagpapatibay ng kanilang samahan.
Maaari itong i-post sa kanilang Facebook page (www.facebook.com/DoItRightPH/) at gamitin ang hashtag na #DoItRight.
Ilan sa mga miyembro nito ang DKT Philippines, Family Planning Organization of the Philippines (FPOP), The Forum for Family Planning and Development, The Philippine Society for Responsible Parenthood, LoveYourself, RTI International, She Decides Philippines at lahat ng apat na professional associations for the country’s midwives.
“Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa campaign na ito dahil tulad sa North America kaugnay sa #MeToo anti-sexual harassment movement ay nagkakaboses ang kababaihan at dito sa atin, ang Do It Right ang magiging susi para tayong lahat ay mapakinggan,” bahagi ni Hyam Asher Bolande, chairman of the board ng DKT Philippines.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments