'Di lang daw si Bea, pati padir ni Julia… HIRIT NG NETIZENS: GERALD, PATI SI DENNIS, NA-GHOSTIN

Nitz Miralles / BIDA

Sabi ng mga netizens na nakapanood sa guesting ni Dennis Padilla sa Tonight with Boy Abunda, pati siya ay nakaranas ng ghosting kay Gerald Anderson.
Inamin kasi ni Dennis kay Boy na hindi na sinasagot ni Gerald ang text messages niya pagkatapos nilang mag-usap sa cellphone.
Kaya sa tanong ni Boy kung ano ang mensahe niya kay Gerald, sabi ni Dennis, sana ay sagutin ni Gerald ang text messages niya dahil four times na raw siyang nagte-text pero hindi naman sinasagot ng nali-link sa kanyang anak na si Julia Barretto.
At least daw, naramdaman na ni Dennis ang ma-ghosting na ginawa ni Gerald kay Bea Alonzo. Hahaha!
May nag-comment naman na baka ayaw na lang ni Gerald na ma-involve kay Dennis matapos nitong mabanggit sa press sa mediacon ng Viva Films movie na Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo na hiwalay na sila ni Bea at nililigawan niya ang anak nitong si Julia.
Sa inilabas na statement, itinanggi ni Julia na nanliligaw sa kanya si Gerald at may inagaw siyang boyfriend.
Kaso, sa interview sa mom ni Gerald, lumalabas na may relasyon na ang aktor at si Julia dahil sa sinabi nitong hindi magtatagal ang relasyon ng dalawa dahil mas matanda si Gerald at dahil pareho silang nasa industriya.





Comments