top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Bulgarian, tinalo ni ‘Tonell,’ 4th place na sa world cadet

Eddie M. Paez, Jr.
Aug 31, 2019
1 min read

UMAKYAT sa pang-apat na posisyon ang musmos na pambato ng Pilipinas at 45th seed na si Antonella “Tonell” Berthe Racasa matapos makapagpatumba ng isang pre-tournament favorite sa round 8 ng 2019 FIDE World Cadet Chess Championship sa Weiqi City Anqui Qilu Wine Culture Creative Industry Park ng Weifang, Shandong Province sa China.

Itinulak ni Racasa ang itim na mga piyesa tungo sa isa pang malaking tagumpay nang talunin nito si Bulgarian Woman Candidate Master Dilyana Ivanova, no. 14 sa ranking at may rating na 1673, sa pangwalong yugto ng malupit na kompetisyong nilalahukan ng may 90 woodpushers mula sa 55 na bansa.

Nauna rito, nambulabog din si Racasa ng mga paborito kahit na 1380 lang ang bitbit na rating. Sinilat niya si 9th ranked Olga Karmanova (rating: 1838) ng Russia sa round 7 samantalang si 10th seed at German pride Katerina Braeutigam naman ang pinaluhod ng Pinay noong panglimang round.

Maliban sa dalawang biktima sa paligsahang isinasaayos ng Chinese Chess Association o CCA, nahugutan din ng buong puntos ni Racasa, premyadong mag-aaral ng Homeschool Global sina Sophia Zhao (USA, round 1) at Meiru Duan (China, round 4) at mga draws nina Yuhua Kate Jiang (Canada, round 6) at Canadian gem Ruoxan Rachel Chen (round 3). Kalahating puntos lang ang hahabulin ni Racasa para makatabla sa terserang si WCM Alia Nurmanova (Khazakstan) at isang puntos sa mga may tangan ng liderato na sina Ruiyang Yan (USA), at WCM Galina Mikheeva (Russia).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page