Daliiii! Simpleng-simple, mga lodi! MGA DAPAT GAWIN PARA SUWERTEHIN ANG NEGOSYO NGAYONG BER MONTHS
- BULGAR

- Aug 30, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ngayon ang ilang mahahalagang impormasyon para sa mga negosyante kung ano ang magandang gawin ngayong ber months.
Ang mga tao noon pa man ay sinasalubong ang pagpapalit ng panahon.
Dahil ito ay hindi maiiwasan, magandang malaman ng lahat kung paano sasalubungin ang tinatawag na ber months.
Ngayon, ang una nating tatalakayin ay ang para sa negosyo nang sa gayun ay makabahagi ang mga namumuhunan sa mga biyayang kakambal ng pagdating ng “ber months”.
1. Linisin ang place of business. Sa paglilinis, hindi lang mga dumi ang kailangang alisin, dapat ding itapon ang mga sirang bagay na hindi na kinakailangan o hindi na napakikinabangan.
2. Pinturahan ng bagong kulay ang lugar. Ibig sabihin, kung ano ang makulay na suwerte ngayon, ‘yun ang ipalit.
3. Inirerekomenda rin ang pagbabago ng mga dekorasyon. Mas maganda kung pakikintabin ang mga dekorasyon.
4. Ang mga gamit sa opisina o mismong negosyo ay dapat maayos, walang sira at bago.
5. Kung gumagamit ng office plants, mas maganda na bumili ng bagong halaman. Ito ay kung ang negosyo ay hindi naman nalulugi. Kumbaga, para magtuluy-tuloy ang suwerte, huwag magpalit ng bagong klase ng mga halaman.
6. Kung ang opisina ay walang halaman, bumili o maglagay. Inirerekomenda na ang mga halaman ay may bilog, pabilog o malalaking dahon.
7. Puwedeng-puwede rin ang mga halaman na sinisimbolo ng katatagan at tibay.
8. Ang mga namamasukan o manggagawa ay dapat isabuhay ang muling pagsusuri sa kanilang sarili.
9. Malaki ang maitutulong ng pagkakaroon ng mga bagong uniform para manumbalik ang dating magagandang katangian.
10. Muling ipatupad ang mga patakaran tulad ng bawal ang late, bawal ang hindi naka-uniform, bawal ang walang ID at iba pa.
11. Muli ring ibalik ang pakikipagkaibigan sa mga kasamahan na maaaring nawala nang dahil sa nagkaroon ng grupu-grupo. Ito rin ay nagsasabing, ang masayang pagbabatian ay kailangang ipaalala.
12. Dapat ay walang magkakagalit o ang mga gusot sa pagitan ng mga tauhan ay isaayos.
(Itutuloy)




Comments