top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Chess grassroots, solusyon sa hanap na bigating players

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 30, 2019
  • 1 min read

PAGDARAGDAG sa grassroots program ang hi­nihiling ng mga chess Grand­masters sa bansa upang mas mahikayat at mahasa pa ang mga kabataan na maglaro ng ahedres maging ng mga nasa liblib na lugar at maging pambato ng bansa sa mga darating na national at international competition.

“Masuwerte ang mga batang chess players na sinusuportahan ng kanilang mga magulang dahil kami noong araw, walang pambili ng board, tansan lang ang ginagamit ko at ginuguhitan ko lang ng pananda ang mga piyesa para lang maka­paglaro araw-araw,” ma­dam­daming kuwento ni Grandmaster Rogelio Anto­nio nang bumisita sa 37th TOPS Usapang Sports sa Intra­muros, Maynila na inalalayan ng National Press Club at Philippine Sports Com­mission kasabay na idaraos na GM Rosendo Balinas Chess Champion­ship simula sa Set. 2 - 9 sa Alphaland Place, Malugay, Makati City.

“I was not to able to meet GM Balinas, but I know him as one of our strongest players. I even studied some of his games,” ayon naman kay GM Darwin Laylo sa session na inagapayan din ng CBA. Ang ikatlong GM ay si John Paul Gomez. Idinag­dag ni Engr. Balinas, nakata­tandaang kapatid ng yuma­ong si Rosendo na ang 15-round tournament ay gaga­mit ng standard format. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page