top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

Akala mo lang nakakagising... PAGKAKAPE, NAKAKAHINA NG MEMORYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 30, 2019
  • 2 min read

SINO ang hindi nakaranas na maging “bangag” dahil sa thesis, projects, reports, production at kung anu-ano pang bagay na kailangang gawin sa eskuwelahan o opisina?

Karamihan sa atin, kailangang umi­nom ng kape na kaya tayong ipaglaban hanggang sa huling sandali ng buong araw para magising at maging productive, lalo na kung napakaraming kailangang gawin at tapusin.

Ayon sa Journal of Nutrition, ang kape ay nakapagbu-boost ng isip, ngunit, na­ka­pagdudulot din ito ng longer-term ef­fects sa ating thinking skills.

Nagsisilbing wake-up call ang kape sa ating utak dahil sa caffeine na taglay nito. Bina-block ng caffeine ang mga receptor sa ating katawan na tinatawag na adenosine. Dahil sa pagka-block ng adenosine, ang mga kemikal na taglay ng kape ay malayang makadadaloy pa­punta sa ating utak dahilan para maging energetic tayo at magkaroon ng improved men­tal performance.

Dagdag pa rito, ang mga taong nasa edad na 70 pataas na mahilig magkape ay mas nakapapasa sa mga test kaug­nay ng mental functioning, pero mababa sa memory tests o mental ability tests.

Sey ng executive editor ng Harvard Women’s Health Watch na si Stephanie Watson, mayroon ding mga pag-aaral na nagsasabing, nai-improve ang long-term memory performance at thinking ability ng mga taong regular na umiinom ng kape. Ayon naman kay Jamie Hale, memory consultant ng Kentucky Council Against Health Fraud, ang kape ay nagbibigay din ng positibong epekto sa ating selective attention kung saan mas pinipili ng utak natin na pagtuunan ng pansin ang meaningful sources kumpara sa mga irrelevant na bagay.

Pero, hinay-hinay pa rin, mga ‘tol, dahil sey ng behavioral psychologist na si Valerie Lesk ng International School for Advanced Studies in Italy, ang ma­dalas na pagsa-shutdown ng ilang brain pathways na dulot ng mga kemikal ng kape ay dahilan kung bakit nakali­limutan nating ma-recall ang ilang mga salita. Ito ay tinatawag na “tip-of-the-tongue” at dahil nae-excite at nagigising nito ang brain natin, naka­pagdudulot ito ng short-term memory lapses. Aniya, nagiging focused tayo sa kung ano ang kasalukuyang gina­gawa natin, ngunit, ito rin ang dahilan kung bakit nakalilimot tayo sa iba pa nating dapat gawin. Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page