top of page

Gaanuman kagaling at kasanay... PAGSISINUNGALING, BUKING SA MGA MATA, KILOS AT PAGSASALITA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 29, 2019
  • 2 min read

ANG pagiging tapat ay kinakailangan hindi lamang sa committed relationship. Ito ay nararapat maging parte ng ating pamumuhay dahil ‘ika nga, “honesty is the best policy”. Pero, knows ba ninyong sadyang parte ng pagiging tao ang magsinungaling? Sa isinagawang pag-aaral ng Journal of Basic ang Applied Social Psychology, napag-alaman na 60% ng tao ang nagsasabi ng kasinu­ngalingan kada 10 minuto ng buhay nila.

Paano natin malalaman kung nagsasabi ng totoo ang ating kausap o nagsisinungaling lamang?

1. NANGUNGUSAP NA MGA MATA. Ayon sa sinaunang kasabihan, “eye is the window of your soul” dahil ang mga mata ang nangungusap ng mga salitang hindi kayang bigkasin ng ating bibig. Sey ng manunulat na si Rachelle Rosuello, kung ang taong kausap ay hindi makatingin nang direkta sa iyong mga mata, marahil indikasyon ito na nagsasabi siya ng kasinu­ngalingan.

2. NAG-IIBA ANG PARAAN NG PANANA­LITA. Ang sabi ng retired FBI criminal profiler na si Gregg McCrary, madaling malaman kung nagsisinungaling ang tao, lalo na kung kilala mo na siya nang lubusan. Kapag nagsisinungaling ang tao, hindi angkop ang tunog ng kanilang salita sa normal nilang pama­maraan. Sey ni Dr. Glass, dahil sa nerbiyos at tense na dulot ng pagsisinungaling, nagbabago ang heart rate at blood flow ng tao na nakaaapekto sa pagbabago ng paghinga. Dahil dito, nag-iiba ang tono ng pananalita ng taong nagsisinungaling.

3. NAG-IIBA ANG PAGKILOS. Sey ng body language expert na si Dr. Lillian Glass, kadalasan, ang taong nagsisinungaling ay yumuyuko o ipinapaling sa kabilang direksiyon ang ulo. Kung alam nating nagsa­sabi tayo ng totoo, kaya nating tumindig para pa­nagutan ang bawat salita na ating binitiwan. Ngunit, kung nagsisinungaling ang tao, asahan nang nag-iiba ang bawat kilos niya sa pamamaraan ng pag-iwas upang itago ang katotohanan.

4. PAGLUNOK O THRO AT CLEARING BA­­GO MAGSALITA. Ayon sa librong “Spy the Lie” nina dating CIA officer Philip Houston, Michael Floyd at Susan Carnicero, ang throat clearing at paglunok ma­tapos sumagot sa ilang katanungan ay normal na bagay, ngunit, ang kaka­ibang paglunok at throat clearing bago magsalita ay hudyat ng pagsasabi ng kasinungalingan dahil anila, ang anxiety ay naka­pagdudulot ng discomfort at pagkatuyo ng bibig at lalamunan. Walang uni­ver­­sal method para ma-detect kung nagsisi­nu­ngaling ang tao, ayon sa mga eksperto, ma­ging ang lie detector ay hindi 100% accurate.

Pero, sabi ni Ken­dra Cherry, psycholo­gist at educatio­nal con­sultant, ang pina­ka­mabi­sang pa­raan pa rin ay ang pagtiti­wala sa ins­tincts o kutob natin, gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page