top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kahit pinag-aagawan ng mga babae… GERALD, NO MATCH PA RIN KINA AGA, GOMA, ROBIN, DINGDONG, ETC.

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 28, 2019
  • 1 min read

DAHIL nakarelasyon niya ang ilang magagandang aktres sa showbiz, maraming kalalakihan ang nai­inggit ngayon kay Gerald Anderson. Napaka­suwerte raw ng aktor na napaibig niya sina Kim Chiu, Maja Salvador, Bea Alonzo at Julia Barretto, puwera pa rito ang ilang modelo at non-showbiz friends kaya parang ang lakas-lakas daw ng sex appeal ni Gerald at ang dali-dali niyang mapaibig ang mga babae.

Siya tuloy ang hot item at talk of the town ngayon. Dagdag-pogi points daw kay Gerald ang kanyang pagiging chickboy. Marami tuloy babae ang nagkainteres na tuklasin kung ano ang lihim na agimat ni Gerald para makaakit ng girls.

Pero, ang mga tunay at certified na macho sa showbiz ay ikinukumpara si Gerald sa ilang sikat na actor na kinabaliwan din ng mga babae, pero hindi ki­nondena sa “ghosting” tulad ng ginawa niya kay Bea Alonzo.

Sila ang mga aktor na mala-Adonis ang kaguwa­puhan, may talento, may acting awards, super-sikat at ini­rerespeto ng kanilang kapwa artista. Dito nabibilang sina Aga Muhlach, Richard Gomez, Robin Padilla, John Lloyd Cruz, Dingdong Dantes at Derek Ramsay. Hindi ka-level si Gerald ng mga aktor na ito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page