top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

Bebot na hihiwalayan ang BF dahil mas ka-compatible ang manliligaw

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 28, 2019
  • 2 min read

Dear Maestro,

May boyfriend ako at magtatatlong taon na kami. Kaya lang, parang nagsasawa na ako sa relasyon namin dahil boring siyang kasama. In short, parang hindi ko na siya mahal. Dapat na ba akong makipag-break sa kanya at sagutin ang manliligaw kong isinilang noong August 25, 1993? Nararamdaman kong mas mahal ko ang lalaking ito kaysa sa kasalukuyan kong boyfriend. April 29, 1994 ang birthday ko habang February 12, 1990 naman ang boyfriend ko. Sino sa kanilang dalawa ang makatutuluyan at mas ka-compatible ko?

Umaasa,

Mara ng Tawiran, Obando, Bulacan

Dear Mara,

Higit mong ka-compatible ang iyong manliligaw na may zodiac sign na Virgo sa birth date na 25 o 7 (ang 25 ay 2+5=7) at may destiny number na 1 (8+25+1993=2026/ 20+26=46/ 4+6=10/ 1+0=1) kaya unti-unti nang napapalapit ang loob mo sa kanya at ngayon ay nararamdaman mong mahal mo na rin siya kung ikukumpara sa boyfriend mong nagtataglay ng zodiac sign na Aquarius.

Ibig sabihin, dahil higit na ka-compatible ng zodiac sign mong Taurus ang Virgo kung ikukumpara sa Aquarius, tama ang desisyon mo na makipag-break sa BF mo dahil parang nawawalan ka na ng gana sa relasyon ninyo. Kumbaga sa naglalakbay, natagpuan mo na ang kapahingahan at ligaya sa piling ng Virgo at ngayon ay nililigawan ka ng nasabing lalaki.

Sa pag-aanalisa sa aspetong pang-Nume­rology ay gayundin, tulad ng nasabi na, higit na katugma ng bith date mong 29 o 2 (2+9=11/ 1+1=2) ang birth date na 25 o 7 (2+5=7) ni Mr. Virgo kung ikukumpara sa birth date na 12 o 3 (ang 12 ay 1+2=3) ng Aquarius na boyfriend mo.

Ibig sabihin, sa sandaling magnilay-nilay ka pa hanggang sa tuluyang magdesisyon, iisa lang ang kauuwian ng iyong pasya, makikipag-break ka sa kasalukuyan mong boyfriend. Pagkalipas ng ilang buwan, kayo naman ni Mr. Virgo ang makabubuo ng romantiko at mas masayang relasyon na ayon sa iyong Love Calendar ay ngayong taon magaganap, sa edad mong 25 pataas sa buwan ng Oktubre o Nobyembre kung saan ang nasabing ugnayang mabubuo sa bandang huli ay tuluyan na ring mauuwi sa maligaya at panghabambuhay na relasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page