top of page
BIDA - JANELLA KAY KLEA I LOVE YOU SO MUCH, MY BABY, MY LOVE, MY SWEET BABY BOO!-IG _kleap

Alamin mula kay Señor... ORASYON PARA SA KALIGTASAN NG MGA MAHAL SA BUHAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 28, 2019
  • 1 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Len­let ng Elenita_Iam@face book.com

Dear Professor,

Nandito ako ngayon sa Dubai, pero noong nasa Pinas pa ako ay palagi akong nagbabasa ng BUL­GAR.

Puwede bang makahi­ngi ng orasyon o banal na dasal para sa mga mahal ko sa buhay? Kasi kapag may mga sakit at problema ang mga mahal ko sa bu­hay, masyado akong nag-aalala. Inaasahan ko na ako ay inyong mapagbibig­yan.

Salamat!

Naghihintay,

Lenlet

Sa iyo, Lenlet,

Oo, mahirap talaga ang mag-abroad dahil malalayo ka sa mga mahal mo at bukod pa ‘yun sa maraming pag­su­bok na kahaharapin mo sa ab­road.

Narito ang orasyon para hilingin sa langit na ingatan ang mga mahal mo sa buhay habang ikaw ay nasa malayo:

1. Orasyon para guman­da ang kapalaran ng mga mahal sa buhay: “Deus au­tem omnipotens benedicat mea in omnibus factis suis. Amen.” Darasalin ito nang pi­tong beses.

2. Orasyon para magka­roon ng magandang kapala­ran at masayang buhay ang mga mahal sa buhay na nasa malayo: “Fortuna et dat kind­ley dominus meus domus mea beatam vitam.” Dasalin ito pagkagising at bago matu­log.

3. Orasyon para guma­ling ang sakit ng mahal sa bu­hay na nasa malayo: “Om­nipotentis Sana Domine ca­rorum habitabant per aliam partem.” Darasalin ito hang­gang sa bumuti ang kalaga­yan ng may sakit.

Good luck and God bless!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page