2 pasahero, sugatan sa bangin
CAPIZ—Sugatan ang dalawang pasahero nang aksidenteng mahulog sa bangin ang kinalululanan nilang tricycle kamakalawa sa Bgy. Tuburan, Maayon.
Ang mga biktima ay si Rino Baclas at isang taong gulang na bata na hindi na pinangalanan ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol sa pagmamaneho si Jocel Billaco kaya bumangga sa puno ang tricycle hanggang sa mahulog ito sa bangin kasama ang dalawang pasaherong biktima.
Ginagamot na sa ospital ang dalawang biktima, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in double physical injury si Billaco.





Comments