top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pagse-selfie, puwede nang gamitin para malaman kung high blood

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 27, 2019
  • 2 min read

Patok na patok ang pagse-selfie da­hil sa panahon ngayon, importanteng makita natin kung saang ang­gulo tayo ma­ganda o hindi, gayundin, nagsisilbi itong self-confidence booster.

Pero, ayon sa mga eksperto, alam ba ninyo na ang pagse-selfie ay may kaya pang gawin bukod sa mga ito? Anila, ang selfie natin ay maaari nang gamitin para malaman ang blood pressure. Weh, ‘di nga?

Ayon sa bagong pag-aaral, nalaman ng mga researcher ng University of Toronto kung paano masusukat nang tama ang blood pres­sure gamit ang camera ng cellphone sa pa­mamagitan ng teknolohiya na transdermal optical imaging o TOI.

Ang optical sensors sa smartphones ay may kakayahang mag-capture ng red light na nagre-reflect mula sa hemoglobin sa ilalim ng balat kung saan ito ang nag-a-allow sa TOI na i-visualize at sukatin ang blood flow changes.

Sa pagsisimula sa translucent nature ng balat sa mukha, nasukat ng mga researcher ang blood pressure ng 1,328 Canadian at Chinese adults sa pamamagitan ng 2-minute video ng kanilang mga mukha gamit ang iPhone.

Ayon kay Kang Lee, lead author ng pag-aaral, makikita sa video ang blood flow sa iba’t ibang parte ng mukha at sa pamama­gitan ng ebb at pagdaloy ng dugo, maraming impormasyon ang makukuha.

Dagdag pa rito, tinawag na Anura ang app kung saan masusubukan ng mga tao ang transdermal optical imaging software na puwedeng irekord sa loob ng 30 segundo ang mukha para makatanggap ng mea­sure­ment ng stress level at resting heart rate.

Ayon kay Lee, palalawakin pa nila ang pag-aaral kung saan ikokonsidera nila ang skin tone nang sa gayun ay mas maging ac­curate ang measurement ng application.

Oh, mga besh, ngayong alam na natin na hindi lang pang-socmed o pampataas ng confidence ang pagse-selfie, make sure na gagamitin ninyo ito nang tama, ha?

Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page