Mundong mapanghusga! Ni: Kristine Lira Deronia David
- BULGAR

- Aug 27, 2019
- 1 min read

Pipi, bulag, bingi, malandi,
ang mga salitang naririnig ko palagi.
Sabi ng ating bayani, kabataan ang pag-asa ng bayan.
Pero, kabataan ang sumisira sa kalikasan
Kabataan ang gumagawa ng mga maling paraan
liptint, foundation, eye liner at
mga polseras sa katawan na pawang
Christmas Tree na hindi maintindihan.
Maganda na ba ‘ko?
Katanungan ng mga Pilipino.
Ba’t ba hindi na lang kayo makuntento
kung anong meron tayo?
Lakwatsa sa umaga,
uuwi nang may dala-dala sabay iyak sa ina na mali ang kanyang ginawa.
Mga tambay na walang ginawa kundi kumaway.
Mga lasenggo na walang ginawa
kundi uminom ng alak at magbisyo.
Akala mo kung sinong nakatambay sa kanto.
Pagagalitan ang mga baklang wala namang ginagawa
na akala mo’y perpekto.
Mga taong nagmamalinis
na akala mo kung sinong kaylinis.
Patayan, sugatan, takutan, perahan.
Mga Pilipino, anong nangyari sa inyo?
Gumising tayo at baguhin ang kabataan
na nagbago ng nakaraan.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments